Chapter 15

19.3K 789 6.7K
                                    

Chapter 15











How do you live without memories?


How do you go on with life with... nothing? Make new ones. Do something. Gain something.







Nang imulat ko ang mga mata at nakaramdam ng hapdi sa ulo ay isang babae ang una kong nakita. Her hair is long and her eyes are worried for me. Nagsasalita siya ngunit wala akong maintindihan. Para akong nabibingi. My head is empty but I feel pain.


"Rauso! Tawagin mo si Mang Yulo, sabihin mo, nagising na siya!"



"Sige, nay!"


The next person I saw is an old man, covered with white hair and white facial hair. Tinignan niya ang kamay ko at ang tingin ko'y sugat na nasa ulo ko.


Pinakain nila ako ng lugaw. Araw-araw, hanggang sa umayos ang kalagayan ko. Dahan-dahan nang maiupo  at maisandal sa kama.


"Ate, ano ang pangalan mo?" Tanong sa akin ng anak ng babaeng nandito. Rauso yata ang tawag sa kanya. Siya ang madalas na nag-aalaga sa akin.

"Pangalan?" Tanong ko.



"Hindi ba't Risela?" The woman sat beside the bed, hinawakan niya ang kamay ko at ipinatong sa aking palad ang isang malamig na bagay. Isang silver na kwintas. Tinulungan ako ng babae na buksan ang kwintas. Ang pendant na ginamit para dito ay isang compass. Iyong bagay na ginagamit para matukoy ang direksyon.




"Ito oh." Tinuro niya ang likod ng pendant, "Risela."



"Risela..." Ulit ko sa pangalan na nakaukit sa kwintas.


"Risela ba ang pangalan mo, Ate?" Tanong muli ni Rauso.


Umiling ako, namumuo ang luha sa mga mata at tinignan siya, "Hindi ko alam... Hindi ko po alam... Wala po akong maalala..."



"Anak," The woman held my hand, calming me down, "Baka dahil sa sugat mo. Nang makita ka namin sa dalampasigan ay may sugat ka sa ulo at duguan... Tatanungin ko si Mang Yulo at baka alam niya ang gamot para tulungan ka na bumalik ang mga ala-ala mo..."


"Sa dalampasigan?" Tanong ko.





Tumango siya, "Ako si Tina. Ako ang nakakita sayo sa dalampasigan. Ako ang nanay ni Rauso at ng sanggol na nasa kuna..." Napatingin ako sa tinuro niya, "Nasa bulsa mo ang kwintas na ito nang mapadpad ka rito... ngunit wala kaming kakayahan na ipagtanong ka sa Sentro ng Camiguin dahil tatlong oras ang biyahe namin papunta doon."



"Ate, pwede ka naman dito." Sabi ni Rauso.



Tumango ang nanay niya, "Hanggang sa bumalik ang ala-ala mo, tuluyan ka nang gumaling o kung kailan mo gusto... pwede ka dito... Risela..."


"Ilang araw na po akong natutulog?" Tanong ko.



"Tatlong linggo,"



Nagulat ako. Hindi ko akalain na tatlong linggo akong walang malay. At bukod sa tatlong linggo na iyon ay halos isang buwan akong hindi makapagsalita at makatayo. Hindi ko bilang ang oras dahil... ni hindi ko manlang nga malaman kung sino ako. Paano ko manlang makikilala ang oras sa ganitong kalagayan?


Inalagaan nila ako. Pinakain, binihisan. Kahit na minsan ay naririnig ko na wala silang sapat na pera para itaguyod ang isang araw.


"Nangingisda..." Sagot ni Rauso sa akin habang inaayos niya ang mga pagkain ng isdang huhulihin nila mamaya, "Kaso... grabe ang mga kapitalista sa Sentro. Bibilhin ng mura sa amin tapos sila naman ang nagbebenta ng napakamahal. Hindi pwedeng si Tatang lang ang mangisda eh... hindi sapat... kaya huminto na ako sa pag-aaral."


Mountains To CrossWhere stories live. Discover now