Chapter 31

16.9K 866 3.9K
                                    

Chapter 31














"Risela..." Dad called, "Calm down. Tell us what happened. Ano ba ang nangyayari?"

"Naospital si Tatang, Dad..." I looked at him, "Kailangan ko pong umuwi. Kailangan nila ako doon. Please, payagan niyo na po ako..."

Mommy's eyes are sad and contemplating. Tumingin si Dad kay Mommy bago huminga ng malalim. Puno ng pagmamakaawa ang aking mga mata. I need to go. I have to go. Alam ng mga tao dito kung gaano ko sila kamahal. Ngunit kailangan rin ako doon.

"Do you really need to go?" Mommy asked, her eyes started tearing up, "Do you really want to go?"

Dahan-dahan akong tumango.

"We'll book you a flight." Agad na napatingin si Dad sa kanya. Mommy smiled, "If that's what you really want..."

Daddy called someone while Mommy helped me pack my things. Isang mabilis lang na proseso at nakahanda na ang lahat nang dumating ang ala una ng madaling araw.

Pumasok ako sa kwarto ni Bless na natutulog sa kabila ng mga pangyayari ngayon. Isang lampara lang ang nakabukas sa tabi ng kama niya. I know that her heart will be broken once she finds out that I went home but I also hope that she knows that Ate will always love her.


"Ate," Nagulat ako nang mahina niya akong tinawag. Palabas na sana ako ulit ngunit napahinto at muli siyang nilingon. Her eyes are still half closed, "Ate, let's play tomorrow..."

I tried to nod, "Sleep tight, Bless."

"I love you, Ate..." She whispered before falling in her dreams again.

Agad na akong bumaba pagkatapos 'non. My flight is at 3:00 am. Daddy just pulled some connections for me to got a seat in the airplane.

Pagkatapos kong magpaalam sa ilang kasambahay, agad na kaming umalis. Si Mommy at Daddy lang ang maghahatid sa akin. Kahit na nakajacket na ako, dama ko pa rin ang lamig sa madaling araw.

Mas mabilis ang biyahe sa ganitong oras. And somehow, it made me wish na sana ay traffic na lang rin para mas magtagal pa ako sa kotse. I will miss them.

Nang bumaba ako sa kotse ay alas dos na. Pareho rin silang bumaba upang tignan ako at tulungan sa maliit na bag na dala ko. Isinuot ko ang isang ballcap bago sila tinignan pareho.

"Thank you po." Sabi ko.

Mommy nodded, "Kapag naayos namin ang mga gawain dito, susunod kami doon... Is that okay, Risela?"

I'm not sure but I slowly nodded. Nanggilid muli ang mga luha sa mata ni Mommy. She pulled me into a tight hug, "I really don't want you to leave. I don't want you to go. But I know that you have to and I will understand if that's the case..."

"Take care, Risela." Daddy said.

"Opo. Salamat po..." Sabi ko at ngumiti sa kanila. Daddy handed me my luggage before giving me a tight hug.

"Use the money inside for him..." He said.

"Dad!" Nagulat ako sa sinabi niya.

Umiling siya, "It's a small amount. But please contact me if you need more. Do not resort in doing dangerous things when we are here and we can help you, okay?"

Doon pa lang ako naluha. Dahil sa totoo lang ay hindi naman nila iyon kailangang gawin.

"Salamat po..." Sabi kong muli.

Mountains To CrossOnde histórias criam vida. Descubra agora