Chapter 29

17.5K 771 3.4K
                                    

Chapter 29










"Ang mahal..." Binulong ko lang iyon sa sarili ko pero hindi ko alam na maririnig ni Tain ang mga komento ko. He chuckled at my words.






"It's alright. Libre ko." Sabi niya, para sana mapanatag ako pero lalo akong nahiya.






"Huwag na!" Sabi ko, "Pinahiram sa akin ni Mommy ang card niya kaya pwede 'tong gamitin."





Umiling si Tain, "No, keep it."





Mas ayos sana kung maghahatid kami sa babayaran kaso mukhang hindi talaga siya papayag. Si Tain ang kumausap sa waiter at nasabi ng order naming dalawa. Mabuti na lang at noong nakaraan pa ako nagsesearch tungkol sa paggamit ng mga kubyertos sa mga ganitong klaseng lugar. Kahit na bumalik kasi ang ilang alaala ko ay hindi ko pa rin tanda ang mga ganito. Siguro dahil general knowledge naman ito at hindi na ako sanay kaya nakalimutan ko na.




Masarap naman ang pagkain pero para sa presyo, ang konti ng serving. Parang pang-isang linggong budget na ang isang serving dito.



Habang kumakain kami ay nag-ring ang cellphone ni Tain. His eyebrows raised when he saw Juan Luis' name on the screen. He sighed, kumunot ang noo niya at agad na ibinaba ang tawag.



"Bakit ayaw mong sagutin?" Tanong ko.




"Mangungulit lang 'yon." He answered, "He's just being clingy because he's guilty when he really doesn't have to. Kaunti na lang talaga at iboblock ko na 'to eh."




"Baka naman kasi gusto niya lang talagang malaman kung maayos ka ba..." Sabi ko



"I know that. Ang problema lang ay lagi ngang tumatawag. Hindi mapakali. I already told him that I'm okay..." He said, "Juan Luis looks like a jerk but his empathy and sympathy towards other people is really... just too much. Well, he is really a jerk naman talaga..."






"Kumusta na sila ni Daenerys?" Tanong ko.





Tain smirked, "Ewan... Let's not talk about them... Malalaki na sila..."






Tumango ako sa kanya. We quietly ate our lunch. I just realized na gutom pala ako. Hindi ko rin inexpect na nagugutom na ako.





"Does it taste good?" He asked.






I nodded, "Sobra. Salamat. Ililibre rin kita mamaya..."





He chuckled, "Sure. You should do that."






Like what he said, he paid for this. Hindi nga lang siya umorder ng dessert dahil pupunta raw kami sa lugar na maraming desserts. I don't really know where. Siya na kasi ang nag-isip kung saan.

Malapit sa seaside ang pinunta namin ni Tain. And outside of the place is a small sign that says The Dessert Museum. My lips parted, "Napanood ko 'to sa tv noon!"







"Right. Let's go..." He said, taking my hand.




The place is so colorful. And it's living up to its name. The Dessert Museum — kaya ang concept ay iba't ibang klase ng desserts. May walong kwarto kaming pwedeng puntahan dito.

The first one is the Donut Room. Sa entrance pa lang ay may malaki nang donut na design. When you enter the room, you'll see so many donut replicas hanges using a string from the ceiling. May mga donuts din na design sa dingding. Iba-iba ang mga kulay nila at nakakagutom.


Mountains To CrossWhere stories live. Discover now