Chapter 16

17.7K 776 4.6K
                                    

Chapter 16










Madilim na nang dumaong ang bangka sa dalampasigan ng isla. Kaunting ilaw at lampara na lang ang tanaw sa mga kabayahan at nanginginig na ang mga kamay ko dahil sa lamig ng klima. Gayunpaman, lumabas ang mga magulang ko mula sa bahay namin upang salubungin ako. Ang makita ang kanilang mga mata na puno ng pag-aalala ay masakit sa akin.




"Risela?!" Sigaw ni Tatang, "Bakit ka umuwi?! Ang sabi mo gagabihin ka sa trabaho at doon ka matutulog sa resort?!"




Dahan-dahan ang baba ko sa bangka. Itinali ang lubid at inayos ang pabigat bago ko sila hinarap. Malabo ang aking mga mata dahil sa luha sa aking mga mata.





Lumapit si Nanang sa akin at humawak sa balikat ko, "Anong nangyari, Risela?"




Humikbi ako sa kanya at yumakap. At sa pagyakap ko, nakita ko sa isip ang mukha ng babaeng nagsabi na siya ang ina ko. Hindi ako makasagot at makapagkwento. Ang tanging ginawa ko lang buong gabi ay umiyak dahil sa mga nakita at nalaman.




Hindi ko alam kung anong oras ako natulog at kung paano ako nahimbing sa tulog ngunit katulad sa ibang araw ay gumigising ako ng alas syete ng umaga para tumulong sa bahay.




Masakit ang mga mata ko at sinalubong ang sikat ng araw. Ang akala ko kagabi ay uulan dahil sa lakas ng hangin ngunit hindi tumuloy ang mababang panahon at sobrang taas ng sikat ng araw ngayon. Tinignan ako ni Tatang habang naghihiwa ng sibuyas sa tapat ng bahay.





"Magpahinga ka kaya..." Sabi ni Tatang, kakatapos lang mag-igib.




Umiling ako, "Ayos lang po ako."




Huminga ng malalim si Tatang at tumango sa akin.



Lumipas ang umaga ng hindi nila ako tinatanong kung ano ang nangyari kagabi. I went on with my life, basically. Pilit kong kinakalimutan ang nangyari kahapon at ang tanging hiling ko ay huwag silang pumunta dito. Dahil hindi pa ako handa...






"Jose!"


Nang nagtanghalian ay may isang bangka ang dumaong sa dalampasigan namin. I sighed. Ang makukulit na naman na taga-sentro! Tumayo ako pero hinarangan ako ni Nanang upang hindi na makigulo.



"Mangungulit na naman yan eh." Sabi ko, "Sinabi ko nang magbabayad naman sa susunod na linggo."



"Ang utang mo? Ano na? Kung kaya ko pa, pagbibigyan pa kita kaso wala na rin akong pera, tanda!" Sabi ng mayabang na lalaki na inutangan ni Tatang.



Nawalan ng puhunan si Tatang tatlong buwan ang nakaraan. Wala siyang ibang choice kundi ang umutang sa ilang mga sikat na loan shark sa sentro. Ang mayabang na ito ang nautangan. Sobrang laki na nga ng interes at panggigipit nila sa mga mangingisda, ganito pa sila kung umasta na akala mo ay sobrang daling kitain ng pera.





Imposibleng wala ng pera ang gago na 'to. Ilang mga manggagawa at nagtitinda na small time sa palengke ang lagi nilang nililinlang, kesyo may konsiderasyon sila sa mga tao pero ang totoo ay ikaw ang kawawa sa kanila. Hindi ko naman masisisi na nagtitiwala ang mga mahihirap sa mga ganito dahil kahit ang gobyerno naman dito ay walang pagmamahal at konsiderasyon sa mga natatauhan.





"Magbabayad ako, sir... kailangan ko lang makabawi pa... mababa na naman kasi ang angkatan ng isda-"





"Paulit-ulit naman eh." Sabi niya, "Hoy Risela! Ano? Wala ka pang pera?"





Mountains To CrossWhere stories live. Discover now