Chapter 21

17.5K 835 11.4K
                                    

Chapter 21














Nagtalukbong ako ng kumot pag-uwi sa bahay.









"I'm sorry, Risel." Sabi ni Mommy. Hindi siya pumapasok sa kwarto, "I'm sorry... I don't have any bad intentions when I told her to say that..."










"Just leave her alone, Tala." Narinig ko si Dad.









"Can you not interfere?" Sagot ni Mommy.









"Oh? Bakit sa akin ka nagagalit? Your daughter wants to be alone! Sinasabi na kasi na huwag maging insensitive-"







"Gusto ko po sanang magpahinga." They both looked at me. Si Daddy ang tumango sa akin. Mommy looked away. Si Daddy na mismo ang nagsara ng pinto at nagbigay ng ngiti sa akin. After that, my tears fell again.







Ngayon, nag-aaway pa sila dahil sa akin.








"Nanang," Sabi ko sa telepono, "Miss ko na kayo..."





"Ate! Daing ulam namin ngayon! Daming kita ni Tatang!" Dinig ko kay Rau, "Hindi ka nakakakain ng daing diyan 'no? Slap soil ka pala!"






Medyo natawa ako pero hindi ko alam kung bakit patuloy pa rin ang pag-agos ng luha sa aking pisngi, "Wow, ang sarap naman... Sana lahat..."






"Inggit si Ate, Nang!" Rau laughed, "Umuwi ka na kasi!"






"Rauso, huwag mo nga masyadong inisin ang Ate mo." Nadinig ko si Tatang, "Ipapagluto ka namin ng mga paborito mo pagbalik mo, huwag mong intindihin itong si Rauso."







"Talaga?" My voice got broken as I stop myself from sobbing, "Excited na ako. Gustong gusto ko nang umuwi sa atin. Miss na miss ko na kayo..."







"Umiiyak ba ang anak ko?" Tanong ni Tatang sa kabilang linya. I grasped on my own clothes, "Risela... kapag masyado nang mahirap at mabigat... umuwi ka na lang..."






Humikbi ako sa telepono.







"Pinayagan kitang pumunta diyan dahil alam ko na gusto mong makilala ang pamilya mo... pero kung mahirap at hindi mo talaga kaya... bumalik ka na lang dito, anak..." Aniya, "Mahal ka namin dito. Palaging kang may lugar dito."








"Mahal ko rin po kayo." Bulong ko.







Sa pagsapit ng umaga, namamaga ang mga mata ko. Sa unang pagkakataon, nagrequest ako na sa kwarto na lang muna mag-almusal. Alam ko kasi na hindi na naman ako titigilan ng mga tao dito at magtatanong na naman sila ng magtatanong kahit na ayoko. Alam ko na gusto lang nilang malaman kung ano ang nararamdaman ko... pero hindi lahat gustong magsabi ng nararamdaman nila.








Sa tanghali, inilusot ni Bless ang isang lollipop sa ilalim ng pinto na may kasamang sulat. Pinagaan ng munting regalo niya ang pakiramdam ko.

I'm sorry, i love you *u*

Wala naman siyang kasalanan pero humihingi siya ng tawad.










Sa hapon, wala akong choice kundi ang bumaba dahil nag-aya si Daddy na umalis kasama ako. Lumibot lang kami sa kung saan. Umuwi rin kami para sa bahay na kumain.








Mountains To CrossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon