PROLOGUE

3.5K 92 29
                                    

Prologue

"Ma'am, bawal po talaga kayong pumasok."


Thunders were being chanted by the dark sky, flashes of lightning that could almost tear the atmosphere into pieces, and the heavy rain cascading to my body. Those three things were present as I stood in front of the gate, soaked and miserable. I let myself get wet just to talk with him because I don't want to end this way... I don't want to end the marriage I worked hard for.


"No, I will talk to him, and you can't stop me," giit ko sa malamig na boses habang matalim na nakatingin sa guard. Nakita ko itong lumunok, humigpit pa nga ang hawak nito sa handle ng payong dahil sa takot sa akin.


"Pero Ma'am—"


Hindi na niya natapos ang balak niyang sabihin dahil tinulak ko siya na dahilan para mapaatras siya nang bahagya. Nagkaroon ako ng pagkakataong makapasok kaya malalaki ang mga hakbang na ginawa ko para lang makalayo sa guwardiya at sa bawat hakbang ay ramdam ko ang unti-unting pagbilis ng puso ko.


"Ma'am Rigan! Magagalit po si Sir Paris!" The guard shouted, but that didn't stop me. I was already near on Paris' house, when the guard grabbed my arm and tried to pull me away. "Ma'am, masesesante ako sa ginagawa niyo!"


"I don't fucking care! I just need to talk with Paris, that's all!" Bulyaw ko at pilit na kumakawala sa pagkakahawak niya sa braso ko.


I'm already devastated, but I'm still forcing myself just to make things go back to what it was before. It wouldn't be this way if she didn't come back. She ruined what I worked hard for. When she came, everything turned hell to me... even the love of my life turned his back on me.


Naging madali kay Paris ang balewalain ako nung bumalik siya. Ang sakit na sa tagal naming makasama, mabilis lang pala niya akong bibitawan. Isang rason lang ang kinailangan para iwan niya ako.


"Bitawan mo ako! Ano ba!" Sigaw ko at gumamit na ng puwersa para lang mabitawan niya ang braso ko. Puwede bang hayaan niya na lang akong maka-usap si Paris? Ginagawa ko lang naman 'to dahil nagbabaka sakali akong maisasalba ko pa ang mayroon kami... kahit na katiting na lang 'yun.


"Ma'am, hindi po talaga puwede—"


"Anong ginagawa mo dito?"


Pareho kaming natigilan ng guwardiya nang marinig naming ang boses na 'yun. Pakiramdam ko tumigil rin ang paghinga ko dahil sa pagkalamig ng boses niya. Kahit naman malakas ang ulan ay nagawa ko pa ring ilarawan ang tunog ng boses maging ang ekspresyon niya.


My gaze slowly shifted to where the voice came from. It was him, standing in front of the door with his hands inside his pockets. My lips formed into a smile, but I couldn't maintain that when I saw his face. It's obvious that he's not glad to see me. Madness clouded his features, but he remained calm.


"P-Paris..." I stuttered his name with desperation and hope.


"Bitawan mo siya," utos niya sa guwardiya at kaagad naman itong tumalima. Nang dahil du'n ay nabuo sa akin ang katiting na pag-asa. Nung binitawan ako ng guwardiya ay akmang lalapit ako kay Paris pero bigla niyang inangat ang kanyang hintuturo sa akin.

Through Fatal Silence (High Class Issue Series #5)Where stories live. Discover now