Chapter 12

758 37 3
                                    

Chapter 12 (R-18. Read at your own risk.)

"Please give her space."


The security surrounded me as soon as the place landed, and now they are making sure that I can pass smoothly on the exit since the media is here to take pictures of my arrival, and I know there are many more of them out there. I was away for two months and coming back here was like a time for me to relax after almost traveling the world because of so many fashion shows.


"Miss Rigan," tawag sa akin ng isang photographer kaya lumingon ako sa kanya para ngumiti at kumaway. Gano'n rin ang ginawa ko sa iba. Kahit na kabilaan ang mga camera sa paligid ko ay sinusubukan ko pa ring ngumiti at kumaway.


Nung makalabas kami ng airport ay may nakahanda ng sasakyan sa pag-uwi ko. Binuksan ng security ang pinto ng van kaya dali-dali akong sumakay at bago magsara ang pinto ay muli akong ngumiti at kumaway sa media.


The last time I got surrounded like this was last two months ago. It was an issue between me and my sister. When I was away, I didn't bother to call her because I was busy and until now, I still haven't apologized.


"Sa bahay ka na ba didiretso?" Tanong sa akin ni Kristy.


"Yeah. Gusto ko na magpahinga at saka baka hinihintay na ako ni Paris," sagot ko at sinandal ang likod sa lingkuranan ng upuan. Sa dalawang buwan na hindi ko siya kasama ay tiniis ko muna 'yun para tapusin ang mga fashion show at photoshoot pero nung unti-unti na akong natatambakan ay du'n ko na napagdesisyunang umuwi na.


Pagkatapos ng fashion show ko sa New York ay naging dagsa ang mga fashion show at photoshoot na gusto akong kunin. Hindi ako sanay na lagi akong nasa eroplano, para ngang 'yun na ang naging tirahan ko dahil sa kailangan kong lumipad para lang mapuntahan ang venue ng fashion show.


When I realized that I'm getting exhausted, I decided to go home and cancel everything. It was a great experience though, but I'm already longing for my home... May kailangan akong uwian at mabuti na lang ay pumayag si Kristy sa gusto ko.


I was about to close my eyes to sleep, but my phone suddenly rings. I took it out from my pocket and checked who's calling. When I read who's calling, I gulped and was hesitating if I should answer the call. It rang many times already, but I'm still undecided. Even though I'm not yet answering the call, I can already predict what's he's going to say... I just don't want to talk about it.


"Bakit hindi mo sinasagot? Sino ba 'yan?" Kwestiyon ni Kristy at akmang dudungaw sa phone ko pero kaagad kong pinindot ang end call pagkatapos ay tinago ito sa bag ko.


"I want to rest." 'Yun ang sinabi kong dahilan kahit na hindi 'yun ang hinihingi niyang sagot. Ayoko munang makausap ang taong 'yun dahil sawa na akong marinig ang mga salitang laging lumalabas sa bibig niya. Nakakarindi na at ayokong sayangin ang natitira kong lakas sa pakikipag-away sa kanya.


Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa bahay. Ang akala ko matatagalan kami sa byahe dahil Lunes ngayon at paniguradong traffic pero mabuti na lang ay nagawan ng paraan ng driver na dumaan sa ibang daan para makaiwas sa traffic.

Through Fatal Silence (High Class Issue Series #5)Where stories live. Discover now