Chapter 11

730 34 6
                                    

Chapter 11

"I feel nauseous," I echoed as I massaged my temple.


Ngayong araw na gaganapin ang fashion show at nakakainis na kung kailan mahalaga ang araw na 'to ay tsaka naman sumama ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit pero panay ang pananakit ng ulo ko at parang namamaga ang mga kamay ko. Hindi puwedeng maapektuhan ang magiging performance ko sa fashion show. Kahit ang bigat ng pakiramdam ko ay kailangan ko pa ring gawin ang pinunta ko dito. 


"Huh? Kumain ka na ba?" Tanong ni Kristy at nilagay ang kanyang kamay sa noo ko para pakiramdaman kung may lagnat ba ako. 


"Kumain na ako." Pumikit ako at sinandal ang ulo ko sa lingkuranan ng sofa. Gusto ng katawan kong humiga pero 'yung isip ko inaalala 'yung fashion show. 


"Baka nalamigan 'yang tiyan mo. Gusto mo bang pahiran ng katingko tiyan mo pati na 'yang ulo mo?" Kahit hindi pa ako nakakasagot ay nilapag na ni Kristy ang katingko sa palad ko. Dahan-dahan ko namang binuksan ang mga mata ko para pahiran ng katingko ang tiyan ko maging ang ulo ko. 


Baka nga nalamigan lang ako na dinagdagan ng pagod. Hindi ko naman inaasahan na sasama ang pakiramdam ko dahil tutok naman ako sa pag-aalaga sa sarili ko. Kahit hectic ang schedule ko ay hindi ko pa rin kinakalimutang pagtuunan ng pansin ang sarili ko. 


I was about to close my eyes to nap for a bit, but my phone suddenly rang. I picked it up on the coffee table and looked who's calling. When I read who it was, I squeezed my eyes, shook my head and cleared my throat. It's Paris. Before answering the call, I made sure that my voice is not rattled because I'm sure he'll get suspicious.


"Hello, Hon," panimula ko sa tawag.


"Today is your fashion show, right?" He asked. 


"Yup," I answered, popping the last letter. After answering, he suddenly became silent, which made my brows furrowed. 


"Bakit ka nanahimik? May problema ba?" Napuno ng pag-aalala kaagad ang tono ng boses ko dahil sa bigla siyang nanahimik. Lagi ko naman siyang tinatawagan at sa mga nakalipas na araw ay hindi naman siya ganito.


"I'm sorry that I can't be there," he apologized. Naging maluwag naman ang paghinga ko dahil 'yun pala ang inaalala niya. Ang akala ko pa naman ay may nangyare na sa kanyang masama.


"Hon, it's okay. I know you're busy, too, so no need to apologize." I understand that he's busy and can't make it here. Naiintindihan niya rin naman ako sa tuwing ako naman ang nagiging busy sa trabaho kaya walang problema sa akin kung wala man siya dito. 


"But it's your first time... I should be with your firsts," Paris stated in a low tone, which I find cute. I'm not mad or anything about him not being here. As long as he supports me, that's enough already.


"No need to feel bad, Hon. Ayos lang naman sa akin e--"


"Good morning, Cori!" Malakas na bati sa akin ni Yael kaya muntikan kong ng malaglag ang phone ko. Hindi ko man lang siya naramdaman na lumapit. Sinamaan ko siya ng tingin at nakita ko itong nag-peace sign kaagad. 

Through Fatal Silence (High Class Issue Series #5)Where stories live. Discover now