Chapter 36

1K 46 13
                                    

Chapter 36

"Kanina ka pa tahimik. May problema ba?"


Naputol ako sa malalim kong pag-iisip nang biglang magsalita si Paris. Gabi na at malapit na kaming makarating sa bahay ni Yael. Sa sobrang pagod ni Rianne ay nakatulog na siya at 'yun ang naging pagkakataon ni Paris para kausapin ako. Hindi ko nagawang tumingin sa kanya bagkus nakatingin lang ako sa labas ng bintana.


"Nothing..." matipid kong sagot na dahilan para suminghap siya.


"You're drowned to your own thoughts. Mind telling me one?"


I bit my lower lip as I tried to construct a sentence that will conclude my thoughts. I don't want to tell him about what I'm worried about, instead I just want to tell him how fun this day is.


"I'm just happy to see Rianne having fun... Salamat dahil dinala mo siya du'n," sambit ko pero pakiramdam ko 'yung mga salita ko ay walang laman at pilit lang. Hindi 'yun ang gusto kong sabihin pero pinili ko na lang na takluban 'yun ng ibang pagdadahilan.


"It's my responsibility to make her happy, Rigan."


Bakit ngayon lang dumating ang oras na 'to? Ang makaramdam na may maaasahan at masasandalan para sa kasiyahan ng anak ko?


"Yeah, and you did well. I'm not going to deny that."


Hindi dapat ang pangunahan ng nararamdaman ko pero sa nangyare ngayon ay parang sinasakop ako nito. At kahit ang isipan ko lang ang gusto kong pairalin ay hindi nagpapatalo ang puso ko na makaramdam ng saya at lungkot. Tama pa ba ang pagmamatigas ko?


Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa bahay ni Yael. Binuhat ko si Rianne na mahimbing na natutulog. Nang makalabas sa kotse ay humarap si Paris sa amin at pinagkatitigan ang anak namin na para bang kinakabisado niya ang bawat sulok ng mukha nito.


"She really looks just exactly like you," he stated and then kissed Rianne's forehead. With his action, I could tell that he wanted to spend the night with my daughter. "Sweet dreams, my princess."


He took a step backward, starting to distance himself from us. After being with us, he had to go back to reality. He waved his hand with his lips smiling, but his eyes are opposite. It's like his eyes are telling me that he doesn't want to leave, but here he is, trying because that's our deal.


Hindi niya naman siguro nakakalimutan na pinili niya ang maging ganito, hindi ba? Pinanindigan ko lang ang kagustuhan niya.


"I-Ingat," sambit ko at tumalikod na upang hindi mapanood ang pag-alis niya. Malapit na sana akong pumasok sa bahay nang biglang tumunog ang phone ko. Dali-dali ko itong kinuha at nang tingnan ang pangalan ng tumatawag ay napalunok ako. Hindi ko naman puwedeng hindi sagutin ito at baka importante.


"H-Hello, Attorney?" Panimula ko sa tawag.


"Good thing that you answered the phone. I have something to tell you kasi," tugon niya kaya nagtama ang dalawang kilay ko.


Through Fatal Silence (High Class Issue Series #5)Where stories live. Discover now