Chapter 28

1K 44 18
                                    

Chapter 28 (trigger warning)

"Until now, the two sides are not giving any comments about the pictures." 


Cold eyes, zipped mouth, bland expression. That's how I describe myself while watching the news about my husband's affair. The media successfully got a copy of every picture that was flashed on the screen last night. Our names are trending on social media especially Paris. My phone almost couldn't handle the notifications being tagged on me, that's why I powered it off first, and the only thing that I could rely on to is the television. 


Nung natapos ang balita ay inabot ko ang remote at pinatay ang tv. Nang makita ang sariling repleksyon sa telebisyon ay bumuga ako nang malalim na hininga. Hindi ako ayos, ramdam ko 'yun. Kahitwala na ako sa poder ni Paris ay ang bigat pa rin ng pakiramdam ko. Mas laloakong nahirapan at kahit nagawa kong ilabas sa publiko ang panloloko nila saakin ay napawi rin kaagad ang sayang naramdaman ko.


"Are you regretting?" Yael asked and I didn't notice that he's already behind me. I'm currently staying at his house. I have no place to go, thankfully, I was welcomed to his house. He is the only one I can run to.


"I have no regrets..." I said quietly, but as those words fell on my lips, my conscience got triggered. Paris doesn't like attention, but right now, his name is being dragged as he committed the same choice as his father did to his wife. After the affair got into the public, Tito Benjamin's affair resurfaced once again.


"Are you going to question what I did? Am I wrong?"


Yael sighed and then sat beside me. "You got hurt. It's reasonable."


Sinabi ko sa kanya ang ginawa ko. Nagulat pa nga ito dahil akala niya ay paparazzi ang kumuha ng mga litrato pero galing sa akin lahat ng mga litrato. Nagawa ko nga ang gusto ko pero may ngitngit pa rin sa puso ko na hindi ko magawang matanggal. Para isang tinik na mas lalong lumalalim habang tumatagal.


Naputol ang pag-uusap namin ni Yael nang tumunog ang doorbell. Hindi naman siguro media 'yun dahil walang nakakaalam na nandito ako. Sinigurado ko na walang nakasunod sa akin. Tumayo si Yael at naglakad patungo sa pinto para tingnan kung sino ito.


Sinandal ko ang likod ko sa lingkuranan at sinapo ang noo ko. Hindi muna siguro ako lalabas hanggat hindi pa humuhupa ang balita. Mas makabubuti 'yun para sa akin at para sa baby ko. Paminsan-minsan nakakalimutan kong may sanggol pala sa tiyan ko, ni hindi ko maalagaan ang sarili ko nitong mga nakaraang araw. Galit ako sa dalawa pero mas malaki ang galit ko sa sarili ko dahil sa pagiging tanga ko na maging ang anak ko nadadamay.


"What are you doing here?" Narinig ko ang boses ni Yael at parang galit ito. Dahil sa kuryosidad ay naglakad ako papunta sa pinto at nung dumingaw ako kung sino ang dumating ay napaatras ako nang bahagya. Nang masilayan ang mukha nito ay parang nawalan ako ng lakas. Paano niya nalaman na nandito ako?


Sa paglandas ng mga tingin namin ay wala na akong maramdamang saya. Pakiramdam ko sa tuwing nakikita ko siya ay nawawalan ako ng hininga... Para akong pinapatay sa sakit. Sinong mag-aakala na ang mukhang kinasasabikan kong makita ay magiging isa pala sa mga mukhang magbibigay ng hinanakit sa akin?


"I want to talk with Rigan." Sa pagsambit niya ng pangalan ko ay parang guguho na ang mundo ko. Noon, para akong hinihele sa tuwing binabanggit niya ang pangalan ko pero ngayon hindi na. Lahat nung sayang nararamdaman ko noon naging kabaliktaran na.

Through Fatal Silence (High Class Issue Series #5)Where stories live. Discover now