Chapter 27

978 49 17
                                    

Chapter 27

"How's your arm? Are you doing alright?" Yael asked, and before answering, I checked my arm to see if the bruises were healing that I got from slamming it from the door on the fire. Every time I look at my bruises, it reminds me of Paris' hesitation. That's all I can remember, and whenever it crosses my mind, nothing's new; I'm still hurting on the fact that he only chose me because it was the right thing to do.


"It's healing and I'm also doing okay," I replied and put down the sleeve of my shirt to cover the bruises.


"Are you sure about that?" I'm not at all. I can say that I'm okay but never fine. It's already my nature to disguise my answers so I cannot be called weak. I just got used to it because they invalidate it whenever I say what I feel. It seems that exposing what I truly struggle with is prohibited.


"Of course, I am. Don't worry," I assured him as I went to the coffee table to get my car keys. I'm planning to go to the grocery store.


"How about your husband? Is he still being a jerk?"


I clicked my tongue. "Stop calling him that."


"Tinawag mo rin namang gago ang asawa mo, Cori. Dapat lang 'yun," pangungusinti niya sa sarili kaya napailing na lang ako. Alam kong galit siya kay Paris pero para sa akin naman ay sana makisama na lang siya. Mahirap pero sana gawin niya para sa akin.


"Sige na, ibaba ko na. May kailangan pa akong puntahan," paalam ko sa kanya at hindi na hinintay na sumagot siya. Nilagay ko ang phone sa bag ko at nagtungo na sa garahe para buksan na ang makina ng kotse. Hindi nagtagal ay umalis na ako sa bahay para pumunta sa grocery store.


Kahit na abala ako sa pagmamaneho ay hindi ako nakawala sa mga tumatakbo sa isipan ko. Sumagi sa isipan ko ang sinabi ko kay Paris nung isang gabi lang. Sinabi ko sa kanya kung gaano niya ako nasasaktan.


When you know the person so well, there are times that you can rely on their actions whenever their mouth is zipped. The answer will spring like a deadly blooming flower with just their actions, and that will hit you with the realization. Sometimes, you don't need words; just actions will be enough to hurt you. Whether you know the person or not, you will still expect something from them and ended experiencing a new hell.


Walang taong hindi nasasaktan... Kahit ang mga taong matapang.


Hindi nagtagal ay nakarating na ako sa grocery store. Sa pag-apak ng paa ko sa loob ay naagaw ko atensyon ng mga tao kaya pilit akong ngumiti sa kanila. Napalunok ako nang magsimula silang magbulungan, 'yung iba naman ay balak lumapit sa akin para makipag-picture. Dapat pala nagsuot ako ng mask.


Yumuko at sinimulan na ang balak kong gawin. Hindi naman siguro nila ako pagpyepyestahan, hindi ba? Wala naman sigurong media kaya makakapamili ako nang matiwasay. Namimili lang ako nang biglang magpintig ang tenga ko sa dalawang babaeng nag-uusap hindi kalayuan sa akin.


"Huwag mong ngang ikumpara si Rigan kay Lorelei. Wala pa nga sa kalingkingan ni Lorelei si Rigan. Naging sikat lang naman siya dahil sa ate niya. Sabit-sabit lang 'yan para sumikat," bulong nito sa kasama niya at sa narinig ko ay humigpit ang hawak ko sa handle ng push cart. Hanggang ngayon pa rin pala pinagtatalunan pa rin ang tungkol sa amin ni Lorelei.

Through Fatal Silence (High Class Issue Series #5)Where stories live. Discover now