Chapter 38

1.5K 49 3
                                        

Chapter 38

"Mommy, will I put the blanket here?" Rianne asked while holding the checkered blanket.


"Yes, baby. Ilapag mo lang diyan," utos ko at kaagad naman itong tumalima. Mas malaki pa sa kanya ang blanket pero nagawa niyang ilapag ito sa damuhan at ayusin para hindi magmukhang gusot-gusot.


We are just busy doing things, when suddenly we heard the doorbell rang. Since I'm the person near the door, I went inside the house to see who it was. When I opened the door, my breath got caught for a moment.


"Hey..." bati niya sa akin at awkward naman akong ngumiti.


"Daddy!" Rianne shouted, which caught our attention. She left the blanket behind and then ran towards Paris, whose arms are open, getting ready to embrace her daughter. When Paris was already carrying Rianne in his arms, he kissed her cheek.


"How's my baby?" Pangungumusta niya habang nakangiti sa anak ko. Hinawi niya ang buhok na tumatakip sa maganda nitong mukha at inipit ito sa likod ng tenga ng bata.


"I'm good, Daddy. We are planning to have a picnic today. You should join us," pag-aya ni Rianne at napatingin sa akin si Paris. Binuksan ko ang bibig ko pero nanginig lang ito na para bang kinakapa pa ang mga salitang dapat kong sabihin.


"It's my idea," biglang singit ni Yael na hindi ko naramdamang nasa likuran ko na pala. Pormal lang ang pakikipag-usal niya kay Paris. Hindi mo matutunugan na hindi niya gusto ang presenya ni Paris sa bahay niya, siguro dahil kasama namin si Rianne.


"You should join us. Magtatampo sa 'yo si Rianne kapag hindi ka sumali." Hindi ko inaasahan na siya mismo ang susunod na mag-aaya kay Paris para sumali. Ang akala ko kailangan pang humingi ng persmiso ni Rianne sa kanya pero siya na mismo ang nagkusang mag-imbita kay Paris.


"Would that be alright? Ayokong makaabala sa plano niyo." Nahiya pa si Paris.


"Kung ayaw mo, edi alis at asahan mong magtatampo ang anak mo sa 'yo. Gano'n lang 'yun kadali." Walang paghuhulos-dili ang bibig niya kaya pasimple ko siyang siniko upang ipaalala na nasa harapan niya lang si Rianne, nakikinig.


"Sabi ko nga e," bulong ni Paris at tuluyan na ngang pumasok sa bahay. Dumiretso kami sa hardin para ituloy ang mga ginagawa namin. Kaunti na lang din naman ang kailangang gawin para masimulan na namin ang simpleng picnic.


"Wala ka bang gagawin ngayon?" Tanong ko kay Paris na ngayon ay kalaro si Rianne.


"Wala," matipid niyang tugon kaya tumaas ang kilay ko.


"Sure ka ba diyan?" Baka naman kasi kami ang makaabala sa mga balak niyang gawin. Ang alam ko marami siyang hawak na kaso.


"Hindi na gano'n kabigat ang schedule ko, Rigan. Simula nung pinakilala mo ako kay Rianne ay ginawa kong maayos ang schedule ko," paliwanag niya. Kahit naman siguro magulo ang schedule niya ay magagawa niya pa ring bisitahin si Rianne.

Through Fatal Silence (High Class Issue Series #5)Where stories live. Discover now