Chapter 10

847 30 4
                                    

Chapter 10

"Make sure to take your vitamins. Okay?" 


Ilang beses na akong pinapaalalahanan ni Paris. Kulang na lang yata ay bigyan niya na ako ng listahan para lang hindi ko makalimutang alagaan ang sarili ko sa New York. Hindi naman ako baby at saka isang linggo lang naman akong magtatagal du'n. Sabagay, ito rin naman ang unang beses na malalayo ako sa kanya kaya naiintindihan ko ang punto niya. 


"And also take pain relievers if you have period cramps," he added while taking my luggage out of the trunk. Paris is supposed to be sleeping this time because I know he did a lot in the lab, but even he's tired he still drop me off in the airport. 


"You should have stayed at home," I said and put my hand on his broad back to caress it. "You're supposed to be sleeping now because you're tired, and you have work tomorrow."


"May gawa ako sa mga salita ko, Hon, atsaka sanay na ako," depensa niya pero nag-aalala pa rin ako lalo na't madilim na. Ang layo pa ng byahe bago makauwi sa bahay. 


"Rigan!" Biglang may tumawag sa akin na dahilan para sabay kaming lumingon ni Paris kung saan nagmula ang boses na 'yun at napagtanto kong si Kristy pala ito kasama si Kira na kararating lang din. 


Kristy walked towards us and when her eyes slid to Paris, she politely bowed a bit. "Good evening, Sir Paris," she greeted. 


"Hi, Kristy. It's nice seeing you," bati ni Paris pabalik na may ngiti. 


"Mabuti na lang talaga mas pinili nating mag-late night flight para iwas na rin sa media," sabi sa akin ni Kristy. Isa rin 'yun sa dahilan kung bakit mas pinili kong mag-night flight na lang para hindi na kami sundan ng media. Sinigurado rin naman na walang makakaalam ng alis namin para hindi na maging hassle. 


"Ano, papasok na ba tayo?" Tanong ko kay Kristy at kaagad siyang tumango. 


"Hintayin ka na lang namin sa loob. Magpaalam ka muna." Sinenyasan ni Kristy si Kira na sabay na silang pumasok sa loob at hintayin na lang ako. Nang makapasok sa loob ay bumalik ang atensyon ko kay Paris. 


"Mauna na ako, Hon," usal ko at hinawakan ang handle ng luggage. Isang linggo lang naman ang titiisin ko na hindi siya kasama at saka dapat masanay na rin ako dahil baka mangyare ulit ito sa susunod. 


"Don't stress yourself out. Kung anong kalagayan mo ngayon, 'yun rin dapat sa pag-uwi mo," paalala niya sa huling pagkakataon. Hindi ko naman pababayaan ang sarili ko dahil kapag hindi ko ginawa 'yun ay makakaapekto 'yun sa performance ko sa fashion show. 


"Got it... B-By the way I have something to give you." Tumaas ang dalawa niyang kilay, nagtataka at hinihintay ang balak kong ibigay sa kanya. Dapat noon ka pa ito ibibigay ang kaso hindi kami nagpapansinan at nag-aalinlangan rin kasi ako dahil baka mamaya ang cheesy ng dating sa kanya. 


Nilahad niya ang kanyang kamay para du'n ko ilagay ang balak kong ibigay. Kahit nakakaramdam ng hiya ay kinuha ko ang bagay na 'yun sa bag ko at nilapag sa kamay niya. Nang makita niya ito ay halos mag-isang linya na ang dalawang kilay niya. 

Through Fatal Silence (High Class Issue Series #5)Where stories live. Discover now