Chapter 09

821 28 5
                                    

Chapter 09

"Hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig ng magkapatid tungkol sa nangyare."


Padabog kong binato ang phone ko sa sofa at malakas na bumuntong hininga. Imperial na naman ang laman ng social media, maging ng balita. Kahit saang platform ako tumingin ay nagsisilitawan ang mga larawan pati na rin ang mga videos ng pag-aaway namin ni Lorelei. Inaasahan ko na rin naman na kakalat ang nangyare dahil napalibutan kami ng mga tao pero ang hindi ko lang matanggap ay bakit ako lang ang nagiging masama sa aming dalawa ng kapatid ko. 


She insulted me, but the only thing people saw was me pushing her. Now, my sister's supporters were cursing and badmouthing about me because of what happened. If their idol didn't intervene in my plans, then this will not happen.


"Mind telling me what happened, Hon?" Biglang tanong ni Paris na hindi ko namalayan na nasa likuran ko na pala. Seryoso ito pero sumisingit rin ang halong pag-aalala sa mukha niya. 


"S-She insulted me, that's why I pushed her," I explained, but it was just the gist of the whole story. 


"That's not what Kristy told me," Paris said. I crossed my arms and tilted my head. 


"Kung nakwento na pala ni Kristy sa 'yo kung anong nangyare, bakit mo pa ako tinatanong?" 


He sighed and then ran his fingers through his hair. "Because I want to hear your side, but you know that it was wrong to push your sister, right?" 


Matagal kong pinagmasdan si Paris para lang mabasa kung anong iniisip niya. Narinig niya naman ang sinabi ko kanina, hindi ba? Na kaya ko tinulak si Lorelei ay dahil ininsulto niya ako. 


"Pinagtanggol ko lang ang sarili ko, Paris. Sarili ko ng kapatid 'yun tapos pagsasabihan ako nang masama? Ayoko ng gano'n," saad ko at pinagsusumikapang ipaintindi sa kanya ang side ko. Si Lorelei ang nagtulak sa akin na gawin 'yun. Nasaktan niya ako at dinepensahan ko lang naman ang sarili ko. 


"But you don't have to push her, Rigan. She's your older sister—"


"Ano naman kung kapatid ko siya kung nagawa niya akong insultuhin? Paris, she called me low and cheap. Do you think I will just let her say those mean things to me?" Habang tumatagal ay tumaas na ang tono ng boses ko dahil pakiramdam ko nasa akin na naman ang mali. Sinabihan ko na si Lorelei na huwag akong kausapin pero hindi niya nagawa. 


"Then what do you mean about she deserves to be pushed, and it's all her fault?" Paris asked. My hands turn into a fist, and I could feel my nails burying in my palms that it could even leave a mark on it. I looked at him with my protruding eyes, and as times goes by, I realized that even my husband was pointing the blame on me. 


Kahit hindi niya sabihin ay nakikita ko sa mukha niya. He should never be against me because I'm his wife! He should always be on my team, but why do I feel like he's blaming me?


"Huwag mo na akong tanungin. Sabihin mo na lang sa akin na kasalanan ko tutal ako naman lagi ang mali at sa paningin niyong lahat si Lorelei ang tama." 

Through Fatal Silence (High Class Issue Series #5)Where stories live. Discover now