Chapter 08

859 33 3
                                    

Chapter 08

"So, you're telling me that you need to go to New York for a fashion show?"


Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas na sabihin kay Paris ang tungkol sa New York. Pinaliwanag ko naman sa kanya lahat at sinigurado ko na bawat detalye ng sinabi sa akin ni Kristy ay nasabi ko rin sa kanya. Nung nalaman kong si Daddy ang may pakana ng lahat ng 'to ay balak ko sanang hindi tumuloy pero naalala ko ang sinabi niya na malaking oportunidad ang binigay sa akin kaya heto ako ngayon, napagdesisyunang ituloy ang pagpunta sa New York. 


Pagkatapos nu'n, siguro naman ay hindi na mangingialam si Daddy sa mga plano ko. Gusto ko kasi pinaghihirapan ko ang mga bagay na nakukuha ko, hindi 'yung nakukuha ko lang ito dahil sa pangalan ko. 


"Yes. Dapat nga hindi ako tutuloy pero sayang rin naman kasi," sagot ko habang pinagmamasdan si Paris magluto. Nung naramdaman ko ang pagkalam ng sikmura ko ay tumayo ako at nagtungo sa basket upang kumuha ng mansanas. 


I was about to get a knife, but Paris took the apple on my hand and he's the one who sliced them into pieces. "You know I have hands, right?" I joked, the reason why he grinned. 


"You'll cut your fingers if I will let you slice this apple," pagprepredict niya. 


"Hindi mo sure," depensa ko kahit naman alam ko sa sarili kong hindi ako magaling sa paghawak ng mga kutsilyo, to be specific, wala talaga akong alam gawin pagdating sa parte ng kusina pero sinusubukan ko naman dahil hindi ako puwedeng umasa lang kay Paris. 


"About the fashion show, I'm okay with it as long as you will take care of yourself, and you will keep in touch." One of the personalities I liked about Paris is that he's never strict when it comes to work. He knows that there will be a time that I must put my priority into modeling, and he's fine with that since he's also doing the same thing. That's the key for our relationship work. It's the balance and the commitment.


 "Yes,Sir," I replied with a salute. That's a piece of cake because I'm not a kidanymore and communicating with him will somehow make my stress disappear ifever, I will have a hard time in New York.


Binigay niya sa akin ang plato na naglalaman ng mga hiniwa niyang mansanas. Tumingkayad naman ako upang umupo sa counter at panoorin siyang magluto habang kumakain ng mansanas. Nagkuyakoy pa ako dahil sa taas na rin ng counter na kinauupuan ko. 


"Kailan ba ang alis mo? Para naman matulungan kita sa pag-iimpake." 


"Friday ang alis ko e pero hindi ba may pasok ka nu'n? Kahit ako na lang ang mag-impake, madali na lang rin naman 'yun."


"No, it's your first time going in New York, so I will help you and maybe I could drop you off to the airport." Dahil sa narinig ay palihim na umangat ang sulok ng labi ko na pilit ko namang pinipigilan sa pamamagitan ng pagkagat sa ibabang labi ko. Kahit 'yung mga simpleng gawa niya lang ay ibang klase ang atake sa akin. Tama nga ang lalaking pinili ko. 


Kinikilig ka, ano?" Nang dumako ang tingin ko sa kanya ay nakita ko itong umismid. Nakatutok siya sa pagluluto pero paano niya naman nakita na nagpipigil ako ng ngiti? 

Through Fatal Silence (High Class Issue Series #5)Where stories live. Discover now