CHAPTER 44 "The Plan"

7.1K 511 546
                                    

Note:

Wag na po mag-reklamo kesyo ngayon lang nag-update. Siningit ko lang 'to sa mga gagawin ko.. Dahil tamad talaga ko mag-sulat.


~•~•*•~•~

Sa isang silid nag-titipon sina Eugi, Neo at Sheiko. Sa bilugan na lamesa naman naka-patong ang malaking blue print na kinuha ni Neo. Sa tabi ng lamesa ay may mga lapis, ballpen at iba't-ibang kulay ng markers.

"20 minutes nalang, Eugi.." paalala ni Neo. Kinakabahan siya. Ka'unti nalang ang oras nila. Hindi rin siya sigurado kung mag-tatagumpay ba ang sinasabing plano ni Eugi pero nag'titiwala naman siya dito.

"Para 'san ba 'yang blue print?" Ipinatong ni Sheiko ang braso sa lamesa at tumingin kay Eugi na abalang pag'masdan ang buong blue print. Hindi siya nito sinagot at patuloy lang sa ginagawa. Kumuha ito ng lapis at sinimulang sulatan ang blue print.

"Uyy, Eugi.. H'wag mo sulatan 'yan.. 'Yan 'yung original na blue print.. Lagot tayo n'yan hahaha.." saway ni Neo.

"Alam ko.. Kaya nga lapis ang ginamit ko.."

West Building Blueprint

Ilang segundong nag'karoon ng katahimikan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ilang segundong nag'karoon ng katahimikan.

"Ano ba talaga 'yung plano? Hindi mo pa sinasabi sa'min.. Ano ba kasi talaga 'yung ini'isip mo?" tanong ni Neo.

"Pagkain—este ang maka'labas tayong lahat dito.." seryosong sagot niya.

"Huli ka! Pagkain na naman 'yang nasa isip mo! Wala ka pa ba talagang plano?"

"Plano kong kumain pag'labas dito.."

"Pero, anong balak mong gawin natin?"

"Sheiko, pa'abot naman ako 'nung red marker.."

Inabot niya ang marker dito.

"Salamat.."

Ipinatong ni Eugi ang transparent sheet sa ibabaw ng blue print paper para doon niya i'sulat ang red marker. Sinimulan niyang guhitan ang mga ruta at nag-sulat ng marka sa iba't-ibang parte ng silid. Hindi nila lubos na maintindihan ang ginagawa niya. Isang malaking katanungan 'yon sa kanila.

"Neo, ilang metro 'yung sukat o distansya mula laboratory papunta dito sa hall?"

"600 meters ang kabuuan.. Pero 'yung sukat 'nong laboratory papuntang hallway ay 590 meters.."

"Sheiko, ilan lahat ng mga estudyanteng na-trap dito?"

"Thirty five.. I mean pag kasama tayo, plus three.. Bale, thirty eight lahat.."

"Okay.. Salamat.."

Pinanood lang nila si Eugi na mag-sulat at markahan ang trasparent sheet na nasa ibabaw ng blue print. Para silang mga ka-grupo na nag-aantay lamang ng utos mula sa kanilang lider. Wala talaga silang ideya sa mga binabalak ni Eugi.

UNRIVALED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon