* CHAPTER 3 ~ Don't bother me..

7.4K 366 80
                                    


~~•*•~•~
CHAPTER 3
Don’t bother me

Ramdam ni Eugi ang mga nakasunod na tingin ng ilang estudyante sa kaniyang direksiyon habang siya’y kumakain. Hindi siya komportable, pero sinubukan niyang umastang normal at walang naririnig. ‘Pano ba naman? Siya lang naman kasi ang target pag-usapan ngayon ng magkaka-ibigang si Athena, Esther at Idah. Ang mga ususerang kabute na mahilig gumawa ng mga nonexistent issue sa mga estudyante. Badtrip, siya pa ang na-i‘spot-an ng mga ito.

“‘Lam mo ‘yun? Another weirdo na naman, sawa na ko.”

“Sino ba?”

“Kilala mo na ‘yun.”

“How so?”

“She’s my classmate, and she's acting weird throughout the class. She doesn’t talk, she doesn’t pay attention, and she’s like pa-mysterious, ‘di ba? I hate it!”

‘I don't talk to weebs..’ Isip ni Eugi.

“Weird nga, sinong mabubuhay ng walang kasama mas‘ki isa sa buong buhay niya?”

‘Ako..’

“Alam ko kung bakit wala siyang kaibigan. Sino ba naman magkakaroon ng interes na ang weirdo? See my point?”

‘Buti natiis niyong makipag-plastik-an sa isa’t-isa?’

“Hindi nga siya kapansin-pansin, e.”

‘Hindi naman pala ko kapansin-pansin, e bakit niyo pa ko pinag-uusapan?’

Kahit hindi ilingon ni Eugi ang kaniyang ulo sa may likuran ay alam niyang siya ang tinutukoy ng mga ito. Sa mga gan‘tong sitwasyon ay natutunan niyang h’wag nalang mag-react sa mga bagay na gumugulo sa kaniya. Nag effort pa talaga ang mga babaitang pumuwesto sa bandang likuran niya para lamang iparinig sa kaniya ang kanilang pang-iinsulto sa kaniya. Napailing-iling nalang siya bago sumubo ng kinakain niyang home-made lunch. Mga retarded.

Wirdo man sa paningin ng iba pero ang pag-iisa ni Eugi ay normal lang sa kaniya. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pa itong gawan ng isyu. Mas gusto niyang maging tahimik, na-oobserbahan naman niya ang paligid. Alam niya ang nagsasabi ng totoo at hindi, at alam niya kung sino ang may paki-alam at wala. Dahil naniniwala siyang kung wala ka namang sasabihing maganda ay h’wag ka na lamang magsalita.

“I pity her. She thinks studying here would make her look less than a worthless being.”

“What she didn't know is, hindi siya makakalagpas sa mga bampira dito. Kaya ako sa kaniya ay lumipat na siya ng school hangga’t maaga. Dahil fourth year man o hindi, siguradong hindi siya mawawalan ng kaaway, lalo na sa mga superiors niya.”

Ang hindi alam ng magka-kaibigang ito ay hindi man lang sila pinakikinggan ni Eugi dahil nakatuon ang buong atensyon niya sa lasa ng kaniyang kinakain. Patuloy lang siya sa pag-nguya habang ninanamnam ang kakaibang lasa ng pagkain na niluto mismo ng kaniyang nakakatandang kuya. Masarap pero nasobrahan yata ito sa seasonings.

UNRIVALED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon