• CHAPTER 12 "Relic"

5.7K 313 50
                                    


"Eugi!"

"EUGI!!"

"EUGENIE!!!"

Naalimpungatan ang natutulog na si Eugi dahil sa lakas ng boses ng kaniyang kuya mula sa labas ng kaniyang kwarto. Hindi niya pinansin ang pagmamaktol nito at ibinaon ang hawak na unan sa kaniyang tainga para hindi marinig ang ingay nito pero sadyang malakas ang kalabog nito sa may pintuan.

"HOY BABAE GUMISING KANA!"

"ANONG ORAS NA, BAHALA KA DIYAN!"

Nang marining niya ang huling sinabi ng kaniyang kuya ay mabilis siyang napabangon mula sa kaniyang higaan at nagtungo sa pintuan para buksan ito. Hindi alintana kahit pa magulo ang ayos ng kaniyang buhok at halos antok na antok pa ang kaniyang mga mata.

"Bakit ba ang ingay mo?"

"Anong oras na, oh! Kakapuyat mo gan'yan inaabot mo!"

"Pwede mo naman sabihin ng maayos, hindi 'yung para kang unggoy na kumakalabog diyan sa pinto.."

"Tsk, sira-ulo."

Hindi nalang ito pinansin ni Eugi at nauna nang bumaba. Naabutan niya ang kaniyang lola na nanonood ng TV habang kumakain. Pumunta siya sa kusina para kumuha ng makakain. Matapos niyang mag almusal ay nagsimula na siyang mag asikaso ng mabilis dahil tulad nga ng sabi nang kaniyang kuya ay anong oras na rin. Gabing-gabi na siya naka-uwi kahapon dahil wala ng masakyan noon at nilakad nalang niya pauwi ng kanilang bahay.

Nasa kalagitnaan siya ng pag paplantsa ng uniform ng magsalita ang kaniyang kuya.

"Umuwi ka mamaya ng maaga."

"Mm, bakit?"

"Tulungan mo ko mag linis ng bahay."

"Mm.."

"Tsaka 'wag kang dadaan sa Barren road pag uwi."

"Bakit naman?"

"Ano ka ba, doon nga 'yung may mga nababalitang may nambibiktima ng mga estudyante.. Gusto mo bang mabiktima ng mga 'yon? Mag commute ka nalang sa bus."

"Sayang pera.."

"Mas sayang buhay, 'wag ka ngang makulit! Makinig ka sa sinasabi ko!"

UNRIVALED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon