• CHAPTER 29 "Rogue!"

5.3K 341 43
                                    

"Nice and easy girl.." mahinang sambit ni Neo habang nananatili ang tingin sa dragon. Nakatalikod ang rogue dragon mula sa kanila, at maari lang silang makita nito kapag gumawa sila ng ingay na kukuha sa atensyon nito. Maingat niyang kinuha ang wand sa loob ng sleeve na polo. Kailangan niyang maging handa sakali mang atakihin sila.

Nilingon niya si Eugi saka mahinang bumulong. "Dahan-dahan.."

Hindi kumibo si Eugi. Sumenyas si Neo na bumalik nalang muli sa loob ng building. Ngunit mahihirapan silang takasan ang dragon, lalo na't sensitibo ito sa ingay ng paligid. Habang abala ang dragon ay kinuha nilang dalawa ang pagkakataon na umatras ng dahan-dahan.

Hawak kamay at maingat ang bawat hakbang nila sa damo.

Napabuntong hininga si Neo nang magawa nilang maglakad pabalik sa ladder nang hindi gumagawa ng ingay.

"Mauna kanang umakyat.." bulong ni Neo habang panaka-nakang nililingon ang direksiyon kung saan sila lumiko kanina. "Dahan-dahan lang, susunod ako.."

Sinimulan nang akyatin ni Eugi ang ladder. Walang ingay ang bawat hakbang niya. Nang maka-akyat na siya ng ilang baitang, sumunod naman si Neo sa pag-akyat. Kinakabahan si Neo dahil baka makita na lang sila bigla ng dragon, at paniguradong hindi niya alam kung paano ito lalabanan. Lalo na't binalaan sila na hindi 'to pwedeng saktan.

*plakk*

Nanlalaki ang mata ni Neo na nahinto sa pag-akyat. Pati si Eugi ay nahinto rin sa kalagitnaan saka sumilip sa kaniyang baba.

"Nahulog wand ko, sheyt.."

"H'wag mo nang kunin.. mamaya na.."

"'Di pwede.. baka mawala 'yan mamaya.."

"Kapag kinuha mo pa 'yan, ikaw ang mawawala.."

"Magtataka sila bakit nandidito ang wand ko.. Ibig sabihin, malalaman nilang pumunta tayo dito.." mahinang paliwanag ni Neo. "Alam mo namang restricted tayo dito, kapag nalaman nilang lumabag tayo.. baka ano pang punishment ang harapin natin.."

"Dalian mo.."

"Ha??"

"Kunin mo 'yung wand mo.."

"Sige na, mauna kana.. aakyat 'din ako.. pupulutin ko lang wand ko.."

Humakbang si Neo pababa mula sa ladder saka pinulot ang nahulog na wand sa lupa. Pinagpagan niya muna ito saka muling humawak sa ladder para umakyat—pero natigilan siya nang makitang nakaharap na sa direksiyon nila ang dragon!

Tug.. dug.. tug.. dug..

Nag angat ng tingin si Neo kay Eugi at nakitang nasa itaas na ito habang hawak ang nakabukas na pinto mula sa ikatlong palapag, hinihintay siya nitong umakyat. Pero mukhang hindi muna siya makaka-akyat dahil hindi na aabot pa.

"Babalik akooo!" sigaw ni Neo bago ito tumakbo at lumiko ng ibang direksiyon. Umatungal nang napaka-lakas ang dragon bago nito sinundan ang direksiyon ni Neo. Matagal bago tuluyang bumalik sa huwisyo ang mundo ni Eugi.

Bigla ay..

Tumalon siya mula sa ikatlong palapag!

Nang makatapak siya sa lupa ay tinakbo niya ang direksiyon kung saan lumiko si Neo. Pag liko niya, nakita niya si Neo na tumatakbo mula sa naghahabol na dragon! Malapit na siyang maabutan nito. Kaunting dipa na lamang at mahahablot na ang katawan ni Neo.

Tumakbo si Eugi sa direksiyon ni Neo saka walang anu-anong hinablot ang pulsuhan nito. Hindi ka-agad nakapag-react si Neo, ngunit nang makita niyang si Eugi ang humablot sa kaniya ay labis ang pagka gulat niya. "EUGENIE!?"

UNRIVALED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon