• CHAPTER 33 "Justice"

5.2K 425 114
                                    

"Jo, talaga bang gagawin natin 'to?" Nag-aalalang tanong ni Junel kay Jose habang nag-tatago sa likuran nito. Sa katunayan, pareho silang nag-tatago ngayon sa likod ng brick wall. Panaka-naka nilang sinusulyapan ang mga nag-babantay sa entrance ng Briston hill. Isang tagong lugar kung saan naka-locate ang isa sa mga tagong organisasyon ni Zagan, ang commander ng Black knight Academy.

"Ngayon ka pa ba maduduwag, Junel? Nandito na tayo, oh.. Lakas nalang ng loob ang kailangan.." ani Jose. Hindi sila basta-basta makaka-pasok sa loob para iligtas si Jomar dahil may mga nag-babantay sa lagusan. Malalaking tao na naka-suot ng itim na cloak. Mga sorcerers at alchemists yata. Kahit pa na mag-palit sila ng wolf form ay hindi nila magagawang patumbahin ito.

Masyado silang mahina para dito..

"Ano bang gusto mong gawin natin? Sugurin nalang sila bigla? Nababaliw ka na ba? Kung nagawa nila tayong pigilan noon, mas kaya nila tayong patumbahin ngayon.."

"Eh, anong gusto mong gawin natin? Mag-paka'duwag nalang? Ga'non ba 'yon?"

"H-Hindi naman sa ga'non.. Ang ibig ko lang sabihin, sana hindi muna tayo pumunta rito ng hindi handa.."

"Hay.. alam mo Junel, walang mangyayari kung gan'yan lang ang prinsipyo mo sa lahat ng oras.. Kailangan ni Jomar ng tulong natin.. 'Pano kung may gawin silang masama sa kan'ya? Mahihintay ba 'yan ng handa mong oras??"

Umiling-iling si Junel. Hindi nito makuha ang ibig niyang sabihin. Aminin man niya sa kan'yang sarili ay naduduwag siya, pero hindi iyon ang pinaka-dahilan kung bakit ayaw niyang ituloy nila ang binabalak. 'Yon ay dahil hindi pa nila kasama ang kanilang Queen. Dahil doon ay wala pa siyang assurance para ituloy ang kanilang pag-sugod. Dahil panigurado lang na matatalo sila.

"Makinig ka sa 'kin Jose.." hinawakan niya si Jose sa parehong balikat nito at iniharap sa kaniya. "Hindi naman sa naduduwag ako, pero.. pero.. Okay parang ga'non na nga.. Pero hindi pa tayo sigurado na mag-tatagumpay tayo.. Ikaw ba? Gusto mo bang sumugod ng wala man lang plano? Hindi 'di ba?"

"Pero.. We're brothers, 'di ba? Bakit kailangan pa natin hintayin na—"

Nahinto sa pag-sasalita si Jose nang kunin ng kanilang atensyon ang nangyayari sa harap ng entrance. Dahan-dahan silang sumilip at tiningnan kung ano ang nangyayari. Sapilitang hinihila ng dalawang lalaki ang isa pang lalaki gamit ang mag-kabilang braso nito. Nag-pupumiglas ang lalaki pero mas malakas ang p'wersa ng dalawa.

"Sino kayo?" Tanong ng isa sa mga taga-bantay ng entrance.

May inilabas na card ang lalaki at tiningnan ito ng taga-bantay. Maya-maya ay sumenyas ito na papasukin siya kaya nag-bigay daan naman ang dalawa pang taga-bantay. Bumukas ang mataas na double door at pumasok sila, kasama ang nag-pupumiglas na lalaki habang umiiyak.

Nang mag-sarado ng malakas ang pinto ay siya namang napa-tingin si Junel at Jose sa isa't-isa. Sa pamamagitan 'non ay naiintindihan nila na pareho ang kanilang iniisip.

Napalunok si Jose. "M-Mukha ngang kakailanganin na'tin si Queen.."

~•~•*•~•~

Mag-katabing naka-upo si Olivia at Eugi sa harap ng guidance counselor, si Miss Wengie, ang kanilang instructor sa History ang kaka-usap sa kanila ngayon. Limang minuto matapos silang pinatawag. Masama ang tingin ni Olivia habang pasulyap-sulyap sa kaniyang gilid. Naiinis siya dahil kahit na anong gawin niya hindi pa rin niya makita ang takot sa mukha ni Eugenie.

"You know why you're here, right?" Pareho niyang sinulyapan ang dalawang estudyante sa kaniyang harapan. Hindi niya inaasahang masasangkot si Eugi sa isang gulo. Kilala niya kasi ito bilang tahimik at walang paki-alam niyang estudyante. Kaya nakakapag-taka nang marinig niya ang report na siya ang salarin sa nawawalang emblem ni Olivia. "We're here to settle this incident.. I've never, ever heard about this kind of crime before.. And I never expect you.." tumingin siya kay Eugi. "—to be involved.."

UNRIVALED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon