• CHAPTER 30 "Violators"

5.3K 383 79
                                    


HEAD COUNCIL'S OFFICE..

"Tell me who gave you the consent to prance in that area?"

Nakatungo lang ang ulo ni Neo habang kaharap ang Beta ng Guardian counselor. Wala siyang lakas na makipagtitigan sa lalaki dulot ng hiya ngunit ang katabi niyang si Eugi ay tila walang paki-alam sa pagtataray nito sa kanila. Diretso lang siyang nakatingin sa lalaki habang pinapakinggan ang pangaral nito sa kanila. Sa totoo lang, kanina pa dinadalaw ng antok si Eugi kaya napagkakamalan na niyang unan ang buong mukha ng Beta counselor.

"Uy, tinatanong ko kayo.. Ano?? Magtititigan nalang tayo??"

"N-No one told us, sir.." nakayuko pa rin ang ulo ni Neo.

"'Yun naman pala e.. Bakit kayo napadpad 'don?"

"Gan'to po kasi 'yon, kaya po kami pumunta 'don kasi 'kala namin may daan 'don pabalik sa grand hall.. Hindi naman po namin akalain na dead end 'dun e.."

"Hindi pa ba sapat ang karatulang student restriction? O hindi niyo naintindihan ang nakasulat dahil english?"

Walang sumagot.

"Ikaw.." nag-angat nang tingin si Neo matapos siyang ituro ng lalaki. "You seemed very familiar to me.. And if I'm not mistaken, you're that contender yesterday who brought everyone to their surprise, including me.. That battle was insane tho.. But judging by your actions, I was really suprised how confident you breach the rules today.." wala siyang nakuhang tugon mula kay Neo kaya tumingin naman siya sa babaeng katabi nito. Unang kumuha ng atensyon niya ang copper emblem ni Eugi, napangiwi siya dahil dito. "And you bring a mortal with you.."

"Do you have any idea how perilous your actions could get, once that Rogue charge towards you? Para sa kaalaman ninyong dalawa, hindi biro makaharap ang isang Rogue dragon." Bahagyang itinaas ng Beta ang kaniyang kamay at nabalutan ito ng pulang aura. Napagawi ang tingin ni Neo nang lumabas ang isang libro mula sa bookshelves na nasa likuran ng lalaki. Kusang lumutang ang libro hanggang sa ma-abot 'yon ng lalaki. Iniharap niya ang libro na may title 'Mythical creatures Almaniac'.

Binuklat nito ang bawat pahina na animo'y may hinahanap. Nang makita na ang hinahanap na pahina, muli niyang iniharap ang libro sa kanila. Malinaw na nakita ni Eugi at Neo ang gustong ipahiwatig ng officer. Hindi biro ang record ng nakaharap nilang rogue. "Rogue creatures aren't meant to be tamed.. Hindi sila domestic tulad ng ibang mythical creatures.. Wala silang kinikilalang master, nor do they symphatize anyone.. Ang alam lang nila ay magpaka-wild.. And you know what's worse? They could release upto maximum level of fire!"

Awtomatikong napalingon si Neo sa kaniyang katabi.

"None of you could do something once it lunge towards you.. You'll just face one thing.. DEATH.."

Hindi alam ni Neo kung paniniwalaan ba niya ang sinasabi ng Beta dahil taliwas mismo ang ipinakita kanina ni Eugi sa sinasabi nito. Nagawa nitong patayin ang apoy gamit lang ang kaniyang kapa. Hindi ito gumamit ng kahit na anong kapangyarihan, hindi rin naman bago sa kaniya ang lakas ng kaibigan. Pero bakit hindi pa rin niya maiwasang mamangha at mahintakutan sa t'wing nasasaksihan kung hanggang saan ang lakas nito?

"At Ikaw.." lumipat ang atensyon nito kay Eugi. "Why are you with her? Aren't you suppose to evacuate along with your classmates?"

"Actually po-"

"I'm not talking to you!"

"S-Sorry, po.."

"Ikaw.. anong pangalan mo?"

"Eugenie.."

"Oh, Eugenie.. Base on your emblem, you belong to the lowest hierarchy of this system.. Let me remind you that this Academy won't go easy on you, kahit pa wala kang kapangyarihan.. Wala sa batas ang magbigay ng exception treatment para sa mga mortal students.. Once you sin, you need to pay the consequences.." tumitig ito sa mukha ng kausap. Samantalang diretso lang ang tingin sa kaniya ni Eugi. Habang tumatagal ang tinginan nila ay nakakaramdam na siya ng pagka-ilang. Hindi niya nagugustuhan ang paraan ng pag tingin ni Eugi.

UNRIVALED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon