• CHAPTER 7 "Protect your base."

5.9K 312 36
                                    

NAGKALAT ang ilang mga estudyante sa locker room. Nagingibabaw ang ingay at pag-uusap ng mga ito. Karamihan dito ay estudyante mula sa 1-B, na required magpalit ng kanilang PE uniform para sa gaganapin na activity. Blue shirt and white long sleeve ang pangtaas, habang navy blue na may halong itim naman ang jogging pants.

Naroroon din si Eugi na abala sa pagtupi ng kaniyang school uniform bago iyon nilagay sa loob ng kaniyang locker. Kinuha niya ang pares ng black shoes sa sahig at ipinatong iyon sa ibabaw ng locker niya.

“Waaaaaaaah! Eugi!” nangibabaw sa buong lugar ang pamilyar na boses, dahilan upang maagaw nito ang atensyon ng ilang mga estudyanteng naroroon. Hindi tuloy naiwasang mapalingon ni Eugi nang marinig ang pangalan niya, at doon niya natanawan ang tumatakbong si Sheiko papunta sa kaniya, habang naglalakad mula sa likod nito ang kasamang si Neo.

“Bakit bigla ka nalang nawala kahapon?” nagtatampo ang boses ni Sheiko.

“Nauna na kong umuwi..” dahilan niya saka sinarado ang pinto ng kaniyang locker.

“Hindi ka man lang nagsabi sa ‘min ni Neo, hinanap ka kaya namin kahapon.” sabi ni Sheiko. Sumabay silang pareho ni Neo sa lakad ni Eugi. Hindi tuloy maiwasang isipin ni Eugi kung anong mali sa ginawa niyang pag uwi at kung bakit niya pa kailangang ipaalam sa dalawang ito kung anong oras siya uuwi. Hindi niya ugaling ipaalam sa iba ang kaniyang mga gagawin, dahil uuwi siya sa anumang oras na gustuhin niya.

”Sorry..” ang nasabi na lamang niya sa dalawa.

Ayos lang,” ngumiti si Neo. “Sabay uli tayong mag lunch mamaya, ha?” kayang sabihin ni Eugi ang salitang ‘hindi’ para tanggihan ito, ngunit gustuhin man niyang sabihin ay hindi naman niya magawa. Kakaiba ang ngiting binibigay ni Neo sa kaniya, para bang malaking kasalanan kapag tinanggihan niya ang alok nito, kaya sa huli ay wala rin siyang nagawa kun‘di ang pumayag nalang.

“Ano kayang activity ‘yung gagawin natin ngayon, no?” kuryos na tanong ni Sheiko at tumingin sa dalawa niyang kasama.

“Sana mag calvary game tayo, tapos tayo-tayo magkakagrupo.”

“Kaya nga eh, mas malupit ‘yung chemistry nating tatlo.”

“O kaya blind shooter, no? Maganda laruin ‘yon sa malaking field.” kumikislap ang mga matang usisa ni Neo habang inaalog ang braso ni Sheiko dulot ng tuwa. Hindi pamilyar si Eugi sa dalawang laro na binanggit ng kaniyang kasama. Basta ang alam niya lang na mas masayang laro kaysa sa sinabi ng dalawa ay ang matulog buong magdamag.

Tikom pa rin ang bibig ni Eugi, nanatili ang pokus sa daan, tila walang interes sa pinag u-usapan ng dalawa. Sumasagot lamang siya sa tuwing kinakausap, pero hangga’t maari, tango at iling lang ang kaniyang tugon para iwasan ang mahabang usapan.

Per unit representative pala ‘yung dapat na sasali para sa tournament,” pag iiba naman ni Neo sa usapan.

UNRIVALED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon