• CHAPTER 16 "Contenders Profile"

4.6K 276 34
                                    

MABILIS na napuno ang seats ng mga manonood. Karamihan sa mga ito ay mga taga-suporta mula sa ibang paaralan. Ang mga hindi pinalad na makaupo ay tumutok nalang sa kanilang mga cellphone para manood ng live broadcasting. Kumakabog ang dibdib ni Eugi habang pinapanood sa TV ng silid ang live na laban. Fifteen minutes nalang at magsisimula na ang introductions saka mag po-proceed sa mismong laban.

Dumating na rin ang ilan sa mga contender ngunit wala siyang kilala ni-isa sa mga ito. Para tuloy siyang outcast sa loob ng silid dahil nag-uusap usap ang mga ito na para bang ilan taon nang magkakakilala. Pero hindi 'yon ang iniisip niya dahil mas nababahala siya sa natitirang oras niya. 5:10

"Baguhan ka lang ba dito?"

Napalingon siya sa kaniyang gilid nang makita ang babaeng kulot ang buhok. Nakasuot ito ng alchemist costume at may ilang potion na nakalagay sa belt nito. May kayabangan ang aura nito dahil sa paraan ng pagtanong nito sa kaniya. "Mm.." sagot niya.

"Ooh.. Pinag isipan mo muna ba ang desiyon mo bago ka sumali dito?" tanong pa nito. Hindi niya gusto ang paraan ng pag ngiti nito sa kaniya, nakaka insulto. Hindi niya 'to sinagot at binigyan lang ng isang nakakaboring na tingin.

"Oh, ba't ang tahimik mo? Baka mapanis laway mo niya'n." ngisi nito.

"Hindi ako tahimik, sadyang 'di lang talaga tayo close.." sagot niya rito pabalik.

Nakaramdam ng pagkahiya ang babae sa sagot niya. Hindi niya inaasahang magiging prangka ito sa pananalita. Baguhan ang itsura ni Eugi sa kaniya at nasisigurado niyang isa ito sa mga mapapatumba niya mamaya. Tsk, what a weakling.

"A weakling like you in a superfight? Gusto mo bang maging daga mamaya sa ring?" ani pa nito pero hindi man lang siya sinagot ni Eugi o tiningnan, dahil nakatuon ang pansin nito sa flat screen wall TV. Mas lalong nakaramdam ng inis si Suzzane, sino ba ito para dedmahin siya? Naka-first runner up siya 'nong nakaraang taon sa laban na 'to, at 'di niya hahayaang ang isang baguhan na gawin ito sa kaniya.

Napalingon siya nang bumukas ang pinto sa kanilang likuran, pumasok si Visla kasunod si Ceref. Biglang nakaramdam ng kaba si Suzzane ng mapatingin si Visla sa kaniyang direksiyon. Marami na siyang narinig na rumor tungkol sa babaeng ito. Malakas, mahirap kalaban, at kung anu-ano pang papuri mula sa kaniyang kaklase. Totoo ngang mahirap itong kalabanin dahil nakaharap na niya ito 'nong nakaraan na taon at masasabi niyang bihasa na itong sumali sa mga ganitong uri ng laban.

Napasulyap naman si Ceref sa gawi ni Eugi at palihim itong pinagmasdan. Ayon sa pagkakatanda niya, isa ito sa kaibigan ni Eugi, 'yung madaldal na babae na may high-pitch na boses. Si Neo. Paano ito nakapasa sa qualifier exam? Speaking of which, nasaan na kaya ang babaeng kinamumuhian niya?

"Anong maganda dito sa dalawa?" tanong ni Visla kay Ceref habang pinapakita ang magka-ibang hugis ng kuwintas.

"Anything would look perfect pag ikaw ang nag suot," sagot nito.

Sinubukang itago ni Visla ang ngiti sa kaniyang labi. "I'm serious.."

"Okay, this one.." pinili ni Ceref ang ruby necklace. "Red is the color of luck. Pero hindi mo na kailangan ng charm para manalo, I'm sure you'll win again.."

"Thank you.."

Mas lalong lumalaki ang kaba sa dibdib ni Suzzane habang nakatingin sa direksiyon ni Visla. Matatalo niya kaya ito ngayon? Pero, hindi pa siya gano'n kabihasa sa pag gamit ng ilang magic na chemical. Hayys. Napabuntong hininga na lamang siya habang iniisip ang mga posibleng mangyari mamaya. Si Visla lang ang nakikita niyang malaking threat para sa laban.

UNRIVALED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon