CHAPTER 45 "The Royale Heir"

3.9K 260 174
                                    


Blue Haven west building attacked by unknown terrorist!

Iyon ang bumungad na headline sa balita nang buksan ni Eugi ang TV para manood. Komportable siyang naka'upo sa sofa habang panaka-nakang dumudukot ng tsitsirya na naka'lagay sa bowl. Hinawakan n'ya ang remote para ilipat ang channel, pero nag-bago ang isip n'ya nang makita ang reporter na nag-interview sa kan'ya kanina.

"-Dahil sa pangyayaring ito, panandalian munang ipinasara ang ilang gusali sa Blue Haven Academy upang imbestigahan ang umanong pag-labag sa.. blah blah blah.."

Dahil sa trahedya, tatlong araw din sinuspende ang kanilang pasok para imbestigahan ang nangyaring pag-atake. Bukod pa 'don, nag recruit rin ang Blue Haven nang mga veteran na wizards at guardians para pag-tibayin ang seguridad ng kanilang eskwelahan.

"Hey," narinig n'yang tawag ni Deven sa kan'yang tabi. "Are you going outside later?"

Hindi n'ya ito pinansin.

"Hey!"

Hindi pa rin n'ya ito pinansin.

"Are you deaf!? Hey—"

Tiningnan n'ya ito gamit ang gilid ng kan'yang mata. Sumasakit ang ulo n'ya sa gan'tong klase ng pag-uugali. Walang peace of mind kapag may kasamang bata sa bahay. Kung hindi lang talaga krimen ang pumatol sa bata. 'H'wag mong hintayin na maging kriminal ako..'

Naramdaman n'ya itong tumahimik sandali. Pero maya-maya rin ay—

"Waaaaaaaaah!" malakas itong umiyak. Tiningnan n'ya lamang ito.

'Umiyak ka lang.. Wala 'kong pake sa 'yo..'

"Oi, ano na naman ba 'yan??" sumilip ang kapatid n'ya mula sa kusina. May hawak pa itong plato at sponge. Sinamaan s'ya nito ng tingin. "Hindi mo talaga papa'tapusin 'yung araw ng 'di mo napapa-iyak 'yang bata, no?"

"S'ya 'tong 'di pinapa'tapos ang araw ng hindi umiiyak.."

"Eh bata 'yan malamang iyakin! Ikaw ang mas matanda, ikaw dapat umintindi di'ba??"

"Hindi ko naman pina-iyak 'yan.. Abno lang talaga bigla-biglang umiiyak.."

"Kung anu-ano pa sinasabi mo.. Tumulong ka nalang mag-linis d'yan nang may silbi naman 'yang araw mo.."

"Mas walang silbi ang araw ko pag nag-linis ako.."

"Ah ga'non.. Okay.. Hindi nalang kaya kita bigyan ng extra allowance para—"

"Mag-li'linis ako dito sa sala.."

"Very good.."

'Strawberry Milk is lyf'

*Bonk* Napa-lingon s'ya sa kanan nang tumama sa ulo n'ya ang pillow na ini'hagis ni Deven! Tumakbo ang bata pa'puntang kusina para lumayo sa kaniya. Napa'kunot ang noo ni Eugi pero hindi nalang binigyan ng pansin. Abno talaga..

Tumayo s'ya para simulang mag-linis. Una s'yang nag-walis sa ilalim ng sofa. Gamit ang kaliwa n'yang kamay, inangat ni Eugi ang buong sofa para linisin ang dumi sa ilalim. Habang winawalisan ang sahig, napansin n'ya ang naka-kalat na piraso ng papel. May magandang lettering ito sa unahan. Yumuko s'ya sandali para damputin 'yon at tingnan ang naka-sulat.

Hello Altex,

Meet me at June 17. Central Park tayo mag-kita ng 3 PM. I'll give you something special..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UNRIVALED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon