• CHAPTER 28 "Barricade"

5.4K 313 45
                                    

["Calling the attention of everyone, this is the Guardian's division, a Rogue dragon had escaped from the unit's chamber and its location is still unknown, and we are responsible for any damage it may cause.. Students now must evacuate at the Blue grand hall immediately for safety.. No students are allowed to use magic against the Rogue dragon except for officers and elite students.."]

Naghari ang sandaling katahimikan ng inanunsyo ng Beta sa Guardian's unit ang dahilan ng pagtaas sa red alarm ng academy. Isang rogue dragon ang aksidenteng nakatakas sa kanilang department. Hindi ito elemental dragon at delikado ito kapag nakasalubong ng mga estudyante sa kanilang pag labas. Kumpara sa mga domestic dragon, ang mga rogue dragons ay mahirap mapa-amo ng maski Guardians at 3rd magic user.

"Rogue dragons!? You mean, 'yung mga dragons na walang summoner o master!?"

"Hindi ba sila 'yung mas delikado?"

"Those Guardians are careless! How could they let them escape!?"

"Hindi mo rin masabi ang nangyari.. May posibilidad na maging wild ang rogue dragons lalo na kapag mahina ang carrier.."

"And we are forbid to use magic against it? Heck of them!?"

"Ano bang inaasahan nilang gagawin natin kapag nakasalubong 'yung dragon? Tumunganga?? That's stupid.."

"Mas importante pa yata 'yung dragon kesa sa mga students.."

"Edi 'yun nalang 'yung pag aralin nila.."

"You can use your power for defense, but please don't harm the dragon.. You're going to violate the school's policy and you're also going to be responsible for it.. Guardian officers pa rin ang may karapatan na galawin ang dragon.. If you're not one of them, h'wag mo silang pangunahan.." paliwanag ng kanilang presidente na isa ring Guardian. "Lumabas na kayo, dali!"

*RED ALARM BUZZES*

*RED ALARM BUZZES*

["The barricade for each floor will be close down in five minutes.."]

"WHAT!?"

"LABAS NA!"

"Oyy, h'wag magsiksikan lahat makakalabas.."

"H'wag po tayo magtulakan, please.."

"Five minutes?? Ang dami-dami natin??"

"Masyado nang delikado kung hindi pa nila isasara ang barricade since hindi nila alam kung na'san ang dragon, mas okay nang limang minuto lang ang ibinigay nila.."

"Oyy, baka gusto niyong bilisan!?"

"Please be quick, students.."

Tahimik na pinakikinggan ni Eugi ang nakakabinging ingay sa paligid habang papalabas ng classroom. Nasa bandang dulo silang tatlo at mabagal ang agos ng lakad dahil nag sabay-sabay lumabas ang mga students sa kani-kanilang classroom at naging crowded sa hallway. Tuluyan nang nataranta ang mga estudyante sa paligid dahil sa pangangambang baka masaraduhan ng barricade. Limang minuto lang ang may'ron sila. Mahirap ng hindi makababa, maari nilang makasalubong ang gumagalang dragon.

"Hassle naman.. kakabalik ko palang dito, eto agad bungad?" reklamo ni Neo.

"Parang ayaw ka yatang pag-aralin, haha.." komento ni Sheiko.

"Oo nga e.. Dapat pala hindi muna ako pumasok.."

"Bakit ka pala sumisigaw kanina?" tanong ni Sheiko.

UNRIVALED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon