• CHAPTER 22 "Default"

5K 292 55
                                    


“Oh, ba’t ang lawak ng ngiti mo?” nagtatakang tanong ni Vix nang makitang nasa good mood ang kanilang Alpha. Wala na ang kunot-noo nitong expression katulad kanina nang i-anunsyo na nanalo si Neo para sa semi-finals. May nangyari bang maganda?

Bawal maging masaya?” nanumbalik na naman ang mataray nitong tono.

Bawal magtanong?”

Bawal..”

Tss. May ginawa ka na namang kalokohan, no?”

Saan mo ba ko tingin nagpunta? ‘Di ba sa fiancée ko!”

“Ah!” napatango-tango si Vix nang maisip ang posibleng dahilan ng ngiti sa labi nito. “Nag make-out kayo, no??”

Nangunot ang noo ni Ceref pero ngumiti nalang din. Parang—Parang ‘ganon na nga..”

Tatawa-tawang umiling si Vix. Iba ka talaga, Alpha..”

Tigilan mo ko, manahimik ka na.”

Talaga lang, no?” pahabol pa ni Vix habang nakatingin sa kaniya.

Anong talaga lang??” takang tanong niya pabalik.

Talaga lang na pumunta ka sa kaniya?”

“Tsk, ano bang gusto mong sabihin?”

“Na kanina ka pa hinahanap ni Visla,” direktang tugon ni Vix. Kung sa tingin ni Ceref ay makaka-pagsinungaling siya ngayon sa kaibigan ay nagkakamali siya, dahil alam niyang higit pa sa pagkikita nila ni Visla ang ngiti na may‘ron sa labi nito. “‘San ka ba talaga nagpunta?”

Bakit ba kailangan mong malaman, ha? Kairita ka, ah..”

“Wala naman.. Puntahan mo nalang siya ‘don sa kwarto..” usisa ni Vix. “11 minutes nalang at magsisimula na ‘yung last battle niya.”

Bigla na naman naalala ni Ceref ang kalokohan niya. Napangiti siya bigla. Sige, sabihin ko sa ‘yo mamaya ‘yung dahilan kung bakit malawak ang ngiti ko ngayon. Makikita mo..”

“Hula ko, kalokohan na naman ‘yan no?”

Tingin mo ngingiti ako ng ganito dahil gumawa ako ng tama? Hehe, let's see..”

UNRIVALED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon