• CHAPTER 39 "Eye for an Eye"

4K 334 187
                                    

Labis na nag-alala ang Junel brothers matapos na tumawag si Eugi sa kanila! Napag-alaman nilang kinuha nito ang kaibigan nito!

Ano na naman bang pakulo ni Gerard??

"Queen.." tawag ni Jose kay Eugi nang makitang naka-tayo ito sa may waiting area ng mga bus.

Mabilis na sumakay si Eugi sa loob ng itim na kotse. Nasa loob din si Junel at Jomar na naka-upo sa bandang likuran. Labis silang nag-alala kay Eugi nang matanggap ang tawag nito sa kanila. Sila rin ang nagu-guilty kung bakit na'dakip ang kaibigan nito. Kung hindi sana nila in'involve si Eugi, labas sana dito ang kaibigan niya.

Napa-lunok si Jose nang ma'lingunan si Eugi. Ilang beses palang niya nakita na ganito ka-seryoso si Eugi. Bigla siyang natakot sa planong gawin dito ng mga ka'away.

"Ayaw mo bang tawagin namin 'yung iba pa naming kasamahan? P'wede silang maka'tulong dito.."

"H'wag na, Junel.. Labas sila dito.."

Hindi na nag-salita si Jose at nag-patuloy na sa pagma'maneho. Ilang saglit lang at dumating na rin sila sa isang private gambling hotel. Ipinarada niya ang sasakyan. Naunang bumaba si Eugi bago pa man maka-labas ang tatlong lalaki. Nag mamadali itong pumasok sa loob..

Wala siyang alam kung ano ang plano nitong gawin. Alam niyang marami ang tauhan ni Gerard pero deretso lang si Eugi na walang kinatatakutan. Bakit parang siya pa ang kinakabahan para sa gagawin ni Eugi? Baka kung ano ang magawa nito kay Gerard. Mabuti nalang talaga at tinawagan sila ng babae para mag-sabi ng nangyari.

At 'yung kaibigan ni Eugi. Sana walang masama'ng nangyari dito.

Sumunod sila kay Eugi at sabay na pumasok sa loob ng Private Hotel bar. Katulad ng ina'asahan nila, mas marami pa ang tao sa loob, at lahat ay naka-tingin sa kanila. May mga goblins, dwarfs at faunus. Iba-ibang uri ng immortals. Siya lang ata ang mortal. Puro mga lalaki at halatang tauhan ni Gerard ang mga ito. Walang ibang customer, mukhang pagma'may-ari ni Gerard ang lugar na ito.

"Nandito na siya, boss.."

"Kanina pa 'ko naghi'hintay sa 'yo, pa-VIP ka naman.. Mabuti at dumating ka rin.. Bati sa kaniya ni Gerard nang makita silang pumasok. Naka-upo ito sa stool chair na naka-harap sa counter at umi'inom doon ng alak. Nilapag nito doon ang baso at humarap sa mga kasama nito.

"Si Neo?" diretsong tanong ni Eugi sa pinaka-kalmado nitong tono.

Sinipat ng tingin ni Gerard si Eugenie. Nagulat ito sa walang emosyong mukha ng babae. Kaka'iba ang epekto ng tingin nito sa kaniya. Para bang kaya siya nitong durugin sa loob lamang ng ilang segundo. Nanuyo ang lalamunan ni Gerard at naka'ramdam ng pagka-ilang sa tingin ng babae. Ito rin pala ang babae na kinai'inisan ni Ceref. Sino ba naman mag a'akala na ito ang babaeng naka'laban niya 'nong nakaraan?

"Sergio, dalhin mo dito 'yung babae.." tawag ni Gerard sa tauhan n'ya. Sumenyas naman si Sergio sa dalawang lalaki. Umalis ito at pumasok sa isang kwarto. May binitbit na babae ang mga ito pagka-labas. Si Neo naman ay 'di makapaniwala sa kaniyang nakita! Sino naman ang mga taong ito? Nakatulog siya mula pa kanina at hindi niya alam kung anong nangyayari.

Hindi naman niya makuha ang wand niya dahil parehong nakatali ang mga kamay niya.

"Bitawan n'yo nga akooooo!" sigaw ni Neo habang hawak ito sa braso ng dalawang lalaki. "Bakit niyo ako dinala ditooo?! Sino ba kayoo??"

"Neo.."

"Eugi!? Ikaw ba 'yan? Hala, oo ngaaa! Ikaw ngaaaa!" sigaw ni Neo habang hawak ito sa braso ng dalawang lalaki. Ini-upo ito sa silya malapit kina Junel. "Anong ginagawa ko dito?? Ba't ako nandito?? Sino sila?? Anong nangyayareee?!"

UNRIVALED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon