* CHAPTER 2 ~ I am not interested.

10.1K 386 40
                                    


~•~•*•~•~
CHAPTER TWO
I am not interested

Attention.. Ang kaisa-isang kina-aayawan ni Eugenie. Ito ang bagay na kailanman ay hindi niya magagawang hilingin. Ang bagay na ini-iwasan niyang makuha mula sa ibang tao. Dahil ang bagay na ito ang dahilan kung bakit nasisira ang tahimik niyang pamumuhay. Pero, ang ginawa niya kanina ay kumuha ng maraming atensyon mula sa mga estudyante. Damn it!

Binilisan niya ang mga hakbang para maka-alis sa lugar na 'yon. Kung anu-anong pasikot na rin ang kaniyang dinaanan, makasigurado lang na walang makakasunod sa kaniya. Nasisiguro niyang kakalat at mapag-uusapan ang nangyari maya-maya lang. Gusto niyang i-untog ang sarili dahil hindi man lang niya pinag-isipan ng mabuti ang maaring kalabasan ng kaniyang pangingi-alam.

"Miss?"

"Miss wait!"

Napahinto si Eugi sa kaniyang paglalakad ngunit hindi gumalaw sa kaniyang puwesto o nag-abalang lingunin ang babaeng tumatawag sa kaniya. Dinig pa niya ang mga yabag ng babae mula sa kaniyang likuran papunta sa kaniya. Nang mahagip niya ang itsura nito mula sa kaniyang peripheral vision, ay tama nga ang hinala niya na ito ang babaeng tinulungan niya kanina.

"Miss, t-thank you 'dun sa ginawa mo. Dahil sa 'yo-"

Tinanguan niya lang ito saka nagpatuloy sa paglakad na para bang hindi siya interesado sa mga sasabihin ng babae. Wala naman talaga siyang intensyong tulungan ang babae mula sa ungas kanina, dahil hindi naman niya ugaling magpaka-hero sa harap ng iba. Sadyang nadala lang siya ng kakaibang emosyon kaya 'di niya napigilan ang sarili. Pero, hindi na 'yon mau-ulit pa.

Nagsalubong ang kaniyang mga kilay habang nakapokus ang tingin sa daan. Nahagip kasi mula sa kaniyang peripheral vision ang pag sabay ng babae sa kaniyang mga hakbang. Hindi siya komportable na may estranghero na tumatabi sa kaniya sa paglalakad at mas lalong hindi niya maintindihan ang pakay nito sa kaniya ngayong tapos naman na itong magpasalamat kanina.

"Hindi ko talaga inaasahan na may tutulong sa 'kin kanina." nakita niya ang ngiti ng babae mula sa gilid ng kaniyang mata.

Hindi kumibo ang labi ni Eugi para sumagot, para itong walang narinig.

"Maraming estudyante ang nakakakita kanina ng ginawa sa 'kin ng lalaki, pero ni-isa sa kanila ay walang lumapit para tulungan ako. Parang normal nalang sa kanila na may ina-abusong tao sa harap nila. Bakit gano'n? Dahil ba mortal lang ako?" nakatungo ang babae habang patuloy na nagsasalita. "Sa lahat ng nakakita sa ginawa ng lalaki ay ikaw lang ang may lakas ng loob na tulungan ako. Gusto kong bumawi sa 'yo sa kahit anong paraan."

'Lubayan mo ko.. 'Yon ang pinaka magandang bagay na magagawa mo.'

"Aware ako sa estado ng mga mortal sa lipunan. Pero, kung ituri naman nila tayo ay parang walang pinag-aralan at mga hayop na walang silbi. Hindi nila kayang magbigay ng pantay-pantay na pag-respeto sa 'tin. Dahil wala tayong powers o abilidad tulad nila, tingin nila ay wala na tayong kayang gawin. Grabe naman." hindi alintana sa babae kahit na hindi nagsasalita si Eugi ay pinag-patuloy niya pa rin ang pagku-kuwento. Hindi pa nga nila kilala ang isa't-isa ngunit kung makipag-open up ito ay para bang kilala na siya nito sa loob ng sampung taon.

UNRIVALED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon