• CHAPTER 37 "The Plan"

4.7K 377 124
                                    

"Nakaka-inis!" galit na sabi ni Ceref 'saka sinipa ang malapit na upuan.

"Kalma lang.." pigil ni Vix na hawak ang isang crossbow. Pa'ulit-ulit niyang ina'asinta ang isang dummy sa 'di kalayuan.

"Haah! Kalma? Sa tingin mo magagawa kong kumalma ngayon!?"

"Ano daw bang excuse niya?"

"Tsk! Ayaw na daw niyang ma-involve dito!"

"Pfft! May konsensya pa pala 'yon!" Tawa ni Vix. Nag-patuloy lang ito sa pag'asinta ng kaniyang target dummy. "Eh bakit ngayon niya lang na-realize? Hindi ba dapat tumanggi na siya noon pa?"

"Ewan ko ba 'don! Hindi yata nag'iisip!" Pag'hihimutok ni Ceref at napa'upo nalang sa single sofa. "Akala ko naman magagawa ni Olivia 'yung pina'gagawa ko sa kaniya.. Nag'kamali ako.. Hindi talaga dapat ako umasa sa isang babae.. Dapat pala si Evan nalang ang pinilit kong kumilos.. May pag-asa pa siguro.."

"Siguro nga.." sagot ni Vix. "Na'san nga pala si Visla? 'Di ba siya pupunta ngayon?"

"May'ron siyang gig ngayon kaya sinabi kong h'wag muna siyang pumunta.."

"Good.. Wala ko sa mood maka'kita ng lovebirds ngayon.."

"Tsk! Kung nabi'bitter ka, umalis ka.. "

Tumawa si Vix 'saka muling inasinta ang dummy. "Hindi ako bitter, friend.. Sadyang 'di lang ako sanay na makita kang sweet lover.."

"Corny mo kasi.."

"Hahaha! Mas magiging corny pa 'ko, pag ako naka-hanap ng baby loves ko.. Makikita mo, tatalbugan ko 'yang pagiging corny mo.."

"Eww.. Tsk, pag nangyari 'yon, 'di na kita kilala.."

"Hintayin mo!"

"Humanap ka muna ng mas maganda kay Visla bago ka mag-malaki ng gan'yan.."

"Mukhang mahirap 'yon ah.."

"Mag recruit ka ng fanclub mo.."

"Pwede ko ba kuhanin mga fans mo? Hahaha.."

"Kung magawa mo.. Baka maka'buo kapa ng Haters club mo dahil sa 'kin.."

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Rui. Diretso itong nag-lakad at sumalampak sa sopa.

"Any update?" tanong ni Ceref sa kaniya.

"No.. Loaded pa rin ang schedule ni Orion.. Baka next week pa siya makarating dito.."

"Tsk.. Makakuha nga muna ng blood supplier sa labas.." sabi ni Ceref 'saka umalis.

"Oh, ba't mukhang bad trip na naman 'yon?"

Nagkibit balikat lang si Vix at nag-patuloy sa ginagawa.

"Kumusta pala 'yung agenda nila ni Olivia?" tanong ni Rui kay Vix.

"Yun, hindi na naman natuloy.."

"Haah.. Malas talaga niya.."

"Sinabihan ko na siya dati na h'wag nang ituloy 'yung plano nila ni Olivia.. Hindi siya nakinig e.. Bahala siya.."

"Hm.. Ga'nun talaga 'yun, pag sinalungat mo, siya pa galit. Haha.."

~•~•*•~•~

Flashback..

"Boss, time's out na.." humahangos na sabi ng isa sa kaniyang mga tauhan.

UNRIVALED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon