• CHAPTER 20 "Serendipity"

5K 309 47
                                    

MULING umingay sa loob ng stadium nang tumapat ang spotlight sa parehong contender. Maraming nasasabik na masaksihan ang laban ng dalawa. Nang makapasok na sila sa loob ng battlefield ay nasimulan na itong harangan ng glass barrier. Napasulyap uli si Eugi sa kaniyang pulsuhan saka humarap sa kaniyang katunggali. Seryoso naman ang tingin ni Alistair sa kaniya.

“Kung matalino ka, umatras kana..” seryoso na sabi nito sa kaniya. Tinitigan lang ito ni Eugi gaya ng parati niyang ginagawa kapag ayaw niyang magsalita. Matalino ba ang pag-atras sa laban? Eh bakit hindi siya ang umatras kung matalino siya? Hmm.. Tanga. “Hindi ko na patatagalin ang laban, si—”

“Hindi patatagalin pero daldal ka ng daldal?” iritang tugon ni Eugi sa kaniya. Nagsalubong ang kilay ni Alistair, hindi siya natuwa sa sinabi niyang iyon. Nakaramdam siya ng pagkapahiya, mabuti nalang at sila lang dalawa ang nakakarinig ng kanilang pinag-uusapan. Kung tutuusin ay mukhang suplada ang kaniyang kalaban, pero mas delikado ito magsalita. Kaya siguro parati itong tahimik.

Dala ng inis, ay sinimulan na ni Alistair ang unang atake!

Isang malakas na suntok ang ginawa niya sa lupa, dahilan para mayanig ito ng napakalakas. Ang enerhiyang ito ay mararamdaman lang sa loob ng battlefield, dahil nililimitahan ng barrier glass ang epekto nito sa mga nanonood. Gumuhit ng mahabang linya ang warak nito sa gitna ng lupa. Kapag ipinagpatuloy pa ni Alistair ang epekto nito ay maaring mabiyak sa gitna ang buong lupa at mahulog doon ang kaniyang kalaban.

Napahiyaw ang mga nanonood dahil una palang ay matinding askyon na kaagad ang bumugad sa kanila. Naglakad lang sa tabi si Eugi para hindi siya mahagip ng pagka-wasak sa lupa. Mahirap nang abutan siya ng limit sa countdown. Kailangan niyang matapos ang laban as soon as possible. Abala siya sa pagbantay ng oras sa wrist watch ay hindi niya napansin ang presensya ni Alistair sa kaniyang likuran!

WOOOOOOOOOOOAAAAAH!”

Yeeeeeeeees!”

Kyaaaaaaah! Go Alistaaaaaair!”

That’s it! Pasabugin mo mukha ni Neeooooo!”

Oyy grabe ka naman!”

Psh, baket ba!??”

Pasabugin ko mukha mo!”

Hakdooog!”

[“A blast moment from our Guardian contender! He’s using his strength to win this match! Will Neo get the chance to advance in the finals!??”]

Tumalsik palayo si Eugi dahil sa biglaang pag-atake ni Alistair mula sa kaniyang likuran. Bago pa tumama ang kaniyang katawan sa salamin na barrier ay pinadulas niya ang paa sa lupa para pigilan ang puwersa nito. Tumayo siya ng maayos at mabilis na tumingin sa hype na crowd. Hindi niya alam kung paano siya aatake. Wala siyang maipapakitang kapangyarihan o spells na magpapa-impressed sa mga nanonood.

Wait.. She didn’t come to impressed anyone, she came for the strawberry milk.

Tama! ‘Yon ang rason niya.

UNRIVALED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon