• CHAPTER 17 "Battle for cause"

4.6K 301 26
                                    


PINAPASOK muna ang mga contenders sa isang kwarto, laking pasalamat ni Eugi dahil hindi gano'n katunog ang pangalan ni Neo sa mga tao, wala rin siyang problema sa mga expectations nito. Kailangan niya lang talunin ang mga ito para makabili siya ng maraming strawberry milk.

Unang tinawag sina Visla at Andrea para sa unang round ng laban. Nakasubaybay ang mga contenders sa pamamagitan ng TV kung saan live 'din na naka broadcast ang mangyayari. Hindi maiwasang kabahan ni Andrea habang papunta sa mismong venue dahil sa una niyang opponent. Sa kamalas-malasan, natapat pa siya sa babaeng mataas ang level ng kapangyarihan kumpara sa kaniya.

'Shit, bakit si Visla pa!?' isip ni Andrea.

"We have the first clash!" sigaw ng emcee. "Visla versus... Andreaaaaaaaa! Contenders please step inside the battle field!"

Muling magkaroon ng ingay at hiyawan sa paligid habang isinisigaw ang pangalan ng kanilang sinusuportahan na unit.

Sa lawak ng battlefield ay mahaba-haba pa ang nilakad ng dalawang pambato bago mag-meet sa pinaka-sentro. Makikita ang confident na ngiti sa mukha ni Visla habang nakatingin kay Andrea, ang ngiti na isa palang babala. Nakasimangot namang sinalubong ni Andrea ang tingin nito, pero hindi niya ma-amin ang kabang nararamdaman dahil ito ang makakaharap niya. Bahala na. Nagsalita muna ang emcee para sabihin ang mga rules and regulations.

Nagsimula ng tumaas ang isang malaking barrier na nakapalibot sa mismong battlefield. Isa itong barrier na gawa mula sa matibay na glass at hindi basta-basta ma-pepenetrate ng kahit na anong uri ng mahika. Ito ang boundary sa pagitan ng mga manonood at manlalaro, para maiwasan ang disgrasya mula sa paglalaban.

"From Vampire unit versus the Faunus unit!" muling hirit ng emcee. Isang putok ng baril ang umalingawangaw kung saan naglabas ito ng itim na usok, hudyat na dapat ng magsimula ang laban. Natahimik naman ang paligid, nakapokus ang mga ito sa tatlong malalaking TV screen para makita ng malapitan ang atake at laban ng parehong contenders.

"Let's make it fun, shall we?" isang malawak na ngiti ang pinakita ni Visla sa kaniyang kalaban, pero para kay Andrea ay isa na itong sign. Marka na papatumbahin siya nito. Pero imbis na magpakita ng takot ay binigyan rin niya ng isang ngisi ang babae, para man lang ipakita dito na hindi siya nasisindak. Kapag ipinakita niya dito na natatakot siya ay magiging malakas ang kumpiyansa nito sa sarili.

"Fine, just don't whine when you lose.."

"I won't,"

Habang nabubuo ang tensyon sa paligid ay sinubukan namang intindihin ni Suzzane ang pinag-uusapan ng dalawang manlalaro sa battlefield. Kapwa hindi pa nagsisimulang umatake na para bang may pinag-uusapan muna.

"Nakalimutan na yata nilang nasa tournament sila.." ani ni Alistair.

"Any idea kung anong pinag-uusapan nila?" tanong ni Suzzane sa kaniyang mga kasama na nakapokus lang ang tingin sa screen.

"Monologue.." sabay-sabay na napatingin ang tatlo kay Eugi ng sabihin niya ito pero hindi man lang nag abala ito na tumingin sa kanila.

"Are they stupid? Wala sila sa animé adaption para mag monologue sa oras ng laban dahil—"

"Woaaaaah!" bulalas ni Blaise nang may maganap nang aksyon. Sayang at hindi nasaksihan ni Suzanne ang atake ng manlalaro kaya naisipan nalang niyang ipokus ang tingin sa screen.

Sa battlefield, nagsimula nang magbago ng anyo si Andrea. From human to gigantic wolf. Hindi pangkaraniwang lobo ang gamit niya ngayon, isa itong hayop na may higit pang kayang gawin kaysa sa isang normal lobo. Brown and white fur, at berdeng mata. Napailing-iling nalang si Visla habang nakangiti. Surely, kahit ano pang anyo ng babaeng ito ay isang bagsak lang ito sa kaniya.

UNRIVALED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon