• CHAPTER 15 "The Annual Tournament"

4.9K 295 17
                                    


TINITIGAN ni Eugi ang hawak niyang capsule, ito ang kailangan niyang inumin para makapagtago sa katauhan ni Neo. Napabuntong hininga siya at sandaling napaisip. Bakit nga ba siya pumayag? Para sa strawberry milk? Psh, napaka lame ng kaniyang rason. Pero, ‘yun talaga ang dahilan kung bakit siya napapayag ni Sheiko.

‘No one will go against Eugi and strawberry milk.’

Ngunit tulad ng sabi ni Sheiko ay may limitasyon lang ang epekto ng capsule. Parang Cinderella story lang kung saan kailangan na niyang umalis pagsapit ng itinakdang oras. Hayss, ano ba ‘tong pinasok niya?

Unfortunately, anim na oras lang ang epekto ng capsule.. Maximum limit na ‘yun, so anim na oras lang rin ang meron ka para tapusin ang laban.. Hindi ka pwedeng mag-exceed sa limit dahil babalik ka na sa dati mong anyo, and worse makikita ng buong media ang ginawa mo.. So better avoid that, ‘kay?”

Kinuha niya ang baso sa ibabaw ng kaniyang beside table at nilunok ang capsule saka uminom ng tubig. Ilang segundo matapos niyang uminom ay wala naman siyang kakaibang naramdaman sa loob ng kaniyang katawan. Tiningnan niya rin ang kaniyang mga kamay at sinuri kung nagbago ba ito, pero wala pa rin.

Ilang minuto ang lumipas at nakaramdam siya ng matinding antok kaya wala sa sarili niyang ibinagsak ang katawan sa kama saka pinikit ang mga mata para matulog.

Kinabukasan..

Naalimpungatan si Eugi nang maramdaman niya ang ilang pagdila ng  aso sa kaniyang kamay. Nang makabangon siya ay iba ang kaniyang pakiramdam, na para bang may nagbago sa aura ng paligid. Bagama’t Malabo pa ang kaniyang paningin, hindi niya makita ng maayos ang sarili. Tumayo siya at dumiretso sa banyo para maghilamos.

Kinuha niya ang tuwalya saka nagbanlaw ng mukha. Bigla ay napaurong siya sa gulat nang magtama ang tingin niya sa kaniyang repleksiyon sa kaharap na salamin. Napaawang ang kaniyang labi habang sinusuri ang kaniyang repleksiyon. Namangha siya sa epekto ng ininom niyang capsule kagabi.

Kamukhang-kamukha niya si Neo!

Wala talagang makakapagsabi sa pinagkaiba nila ni Neo ngayon, maliban sa kanilang pag-uugali. “Wow..” napapahanga niyang hinawakan ang kanang pisngi saka ‘to pinisil-pisil. Nang masanay na siya sa kaniyang anyo ay doon lamang niya naisipang lumabas ng banyo at mag-asikaso para pumasok.

Ngunit naalala niya, hindi niya pala nabanggit sa kaniyang kuya ang tungkol dito. Paniguradong magugulat ito kapag nakita siya sa gan‘tong anyo.

Bahala na..’

Huli niyang kinabit ang school badge ni Neo sa kaniyang uniform, na pinahiram pa nito sa kaniya ‘nong huli siyang bumisita dito.

This is it pancit..

Nang makababa siya, naabutan niya ang kapatid na naghahanda ng kanilang almusal sa kusina. Nagpiprito ito nang mapatingin sa kaniya. “How the pak!?” napaurong ito sa gulat. Nanlalaki ang mga mata ni Altex na tumingin kay Eugi. Naka-awang pa ang kaniyang bibig sa gulat, at halos ‘di niya maipaliwanag kaba sa kaniyang dibdib. Sinoto!?

UNRIVALED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon