• CHAPTER 11 "Pendant"

5.8K 351 59
                                    

MABILIS na nagtungo si Ceref sa lugar kung saan nila napag usapan ni Vix na magkita. Pagpasok niya sa loob ng club, sumalubong sa kaniya ang napakalakas na tugtugin. Nag-iinumang mga tao sa paligid, mayroon 'ding naglalaro ng baraha at kung anu-anong uri ng sugal, pero hinahanap ng paningin niya ang kaniyang kaibigan.

Natanawan niya ang pagkaway ng isang lalaking nakaupo sa may counter area, nakilala niya kaagad ito at lumapit siya dito.

"Nakuha mo ba?" umupo siya sa tabi ni Vix.

"Hindi ako ang kumuha.. Inutusan ko lang rin 'yung supplier ko, mabuti't hindi siya nahuli.."

"Mm.. Nasa'n na?"

"Eto," inabot niya ang itim na folder kay Ceref. "I think makakatulong 'yan sa paghahanap mo.."

Binuklat niya ang folder na naglalaman ng impormasyon tungkol sa babaeng sinusubaybayan niya nitong mga nagdaang araw. Ito ang school information ni Eugenie, ang kaniyang numero-unong karibal, interesado siyang alamin ang pagkatao nito dahil ito ang kauna-unahang nilalang na pumutol ng expectations niya.

Nakita niya ang 2x2 nitong picture sa unang pahina. Poker face ang reaksiyon nito habang nakatingin sa kamera.

'Tsk! Pati ba naman sa picture, nakasimangot!? Seryoso, hindi ba 'to depress!? Tsk, sana nga..'

Inaasahan pa naman niya na baka sakali ay makita niya itong nakangiti doon pero mukhang hindi talaga ito marunong ngumiti sa kahit kanino. Sunod niyang binasa ang mga nakasulat na data tungkol sa babae.

"Eu..ge..nie.. Eugenie?" basa niya rito. "Gan'yan ba i-pronounce 'yon? Tsk! Pangalan pa lang kasi weirdo na.."

"Naririnig ko sa mga kasama niya 'Eugi' ang tawag sa kaniya.."

"Eugi? Psh, ang baduy pakinggan.. Sino naman ang nag pangalan sa kaniya.."

"Malamang nanay niya.."

"Oh, e ano naman 'to?!" binasa ang magkakasunod na impormasyon dito. "Seventeen years old, pero mukhang nasa twenty's na siya.. Blood type B?? Tsk, hindi ko type 'yung mga gano'ng klase ng dugo.. Hindi masarap.."

"Ano bang purpose mo at pinakuha mo 'yan? Mukhang wala kang ginawa kun 'di laitin ang mga nakasulat diyan.."

UNRIVALED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon