• CHAPTER 35 "Player's ready!"

4.8K 366 90
                                    


HINDI mawala ang ngiti sa labi ni Junel habang nag-lalakad katabi ni Eugi. Ngayon na ang araw para pumunta sa Underground Society kung saan ang lugar na pagkikitaan nila ni Gerard. Laking pasa'salamat niya nang pumayag si Eugi na samahan sila. Sa ga'nong paraan, lumakas ang kumpiyansa niya na mabawi si Jomar sa kanila.

"Ayos! Hehe~" tawa ni Jose habang ina-ayos ang necktie. Makikitang natutuwa ito sa pormahan nilang tatlo ngayon. Mukha silang mga secret agent ng isang secret society. Lahat sila ay naka-suot ng itim na suit and tie na pinatungan ng red cloak with hood. Nahaharangan ng itim na maskara ang buong mukha nila na tanging mata at bibig lang ang nakikita. Ang mahabang buhok ni Eugi ay naka-ponytail sa likod. "Mukha tayong mang re-raid nito ah! Tulad 'nung mga nasa ano.. 'nung mga nasa movies! 'Di ba, Junel?"

"Oo nga, hahaha.."

Napa-tingin si Junel kay Eugi na nag-lalakad sa unahan nila. Naalala niyang kailangan nila ang identity card at private ID para maka-pasok sa lugar na 'yon. Hindi niya tuloy ma-isip kung anong paraan ang gagawin ni Eugi para maka-pasok sila sa loob.

Tahimik lang silang nag-lakad sa loob ng ilang minuto. Napa-tingin sila sa paligid. Habang palayo sila ng palayo ay mas dumarami ang mga punong puma-paligid sa kanila. Mas lumilimlim ang liwanag mula sa umaga dahil sa malalaki at makakapal na puno. Sa pinaka-dulo ay nakikita na nila ang bukana ng underground field na pinag-haharian ng iba't-ibang grupo.

Nakarating sila sa entrance ng underground cave kung saan naka-tayo ang isang lalaki na may malaking bisig na animo'y puputok nalang bigla dahil sa laki. Puno ng tattoos ang katawan nito, at may piercing mula sa tainga, ilong, kilay, at ibabang labi. Lumapit ang lalaking ito sa kanila at humarang sa kanilang harapan.

"Mukhang seryoso ang pakay niyo, ah.." sabi nito sa kanila. Tumigil ang tingin nito kay Eugi at pilit na kinikilatis ang mukha nito. "Na'san 'yung identity card niyo?"

Lumapit si Junel sa tabi ni Eugi 'saka mahinang nag-salita. "Queen, hindi ko pala na'sabi sa 'yo, kailangan nila ng identity card ng mga guests at outsiders dito.."

Hindi nag-salita si Eugi, nanatili lang siyang naka-tingin sa kaharap na lalaki.

"Tinawag mo ba siyang Queen?" sumipol ang lalaki nang marinig ang sinabi ni Junel. Muli itong tumingin kay Eugi na kanina pa hindi kumikibo sa kaniyang harapan. Para itong isang estatwa na naka'tayo dito. "Kids, if you're here to goof around.. better switch your locations, cause we're not entertaining young adults here.. especially weak ones.."

"Hindi kami nan'dito para mag-laro.. May usapan kami kay general-"

"Wala kong paki-alam kung sino ka pa.." malalim ang boses nito 'saka tumingin kay Jose na kanina pa rin walang imik. "H'wag niyong hintayin na ako mismo ang mag-tapon sa inyo palayo dito.. Kung wala kayong mai-pakitang identity card, simulan niyo nang mag-lakad pa-alis.."

"Queen, anong gagawin natin?" si Jose. "Sayang outfit natin nito.."

"Hindi tayo aalis dito.." ani Eugi.

"Heh! Titigas rin ng mga mukha niyo, no? Kung iniisip mong hindi kita papatulan dahil babae ka, 'don ka nag-kakamali miss.." ngumisi ito sa kaniya at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. "Kaya kitang dudurugin kahit pa sabihin mong ikaw ang pinaka-malakas na nilalang sa mundo.." saka nito inunat ang mga daliri, dahilan para tumunog ang mga buto niya doon.

"H'wag! Ma-awa ka please!" sigaw ni Junel.

Tumingin ang lalaki kay Junel. "Maawa? Kung ayaw mong saktan ko 'tong "Queen" niyo, sumunod kayo sa sinasabi ko.."

UNRIVALED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon