• CHAPTER 24 "Payback!"

5.4K 306 58
                                    

"Jose, meryenda muna tayo.. Kanina pa ko nagugutom.." suhestiyon ni Junel sa dalawa. Hindi narinig ni Jose ang sinabi niya dahil abala ito sa pag-iisip ng strategy para matalo ang kalaro nitong si Jomar. Enchanted chess ang nilalaro ng dalawa kung saan kusang gumagalaw ang mga chess piece kapag inuutusan.

"Horse B4.." anang Jomar na nakalagay pa ang kamay sa ilalim ng kaniyang baba na animo'y malalim ang iniisip. Kusang gumalaw ang horse chess piece at naglakad papunta sa lugar na sinabi niya. Kinain nito ang bishop ni Jose na ikinagulat naman nito. Patuloy lang sa palitan ng tira ang dalawa, at lumapit naman si Junel sa kanila.

"Rook D-Aray!" napahawak bigla si Jomar sa kaniyang batok nang maramdaman na hinampas ito ni Junel. Kunot ang noo niyang lumingon kay Junel. "Ano ba!?"

"Kanina ka pa diyan, hindi ka naman manalo-nalo kay Jomar! Samahan mo muna ko bumili ng pagkain!"

Inis na napakamot ng batok si Jose saka walang nagawang tumingin sa kalaban. "Oh, pano?? Mamaya na natin ituloy.. Gagalingan ko na talaga para matalo ka.."

"Pang sampung beses mo na 'yang sinabi, pero ano?? Wala pa rin.." nag thumbs down si Jomar saka tumayo sa kinauupuan. "Pero sige, mag meryenda muna tayo.. Gutom na rin ako e.." inayos nila ang nilalarong magic chess saka 'yon nilagay sa tabi. Nasa usual spot sila ngayong tatlo, dahil hindi naman sila ga'non ka-interesado manood ng live tournament, ay pumunta nalang sila sa dati nilang lungga.

"Mag meal nalang tayo, tatlong araw ng nag ke-crave 'yung panlasa ko ng karne e.. Ayaw rin kasi ng wolf form ko na kumain ng gulay.." anang Junel. Tumango naman ang dalawa bilang pag-sang ayon.

"Dumiretso nalang rin tayo sa backyard ng Blue Haven para hanapin si Queen, sigurado kong 'di pa 'yun kumakain.."

"Tingin mo sasabay sa 'tin 'yun?? Syempre hindi.. Sasabay 'yun sa mga kaibigan niya!"

"Wait-may kaibigan si Queen??"

Masama ang tingin ni Junel kay Jomar nang sabihin iyon. "Ano ba tingin mo sa kaniya?? Napaka lonely?? Alam kong boring ang aura ni queen pero mabait pa rin siya!"

UNRIVALED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon