• CHAPTER 25 "Visit"

5.3K 312 84
                                    

NAHINTO si Eugi sa kaniyang paglalakad. Malakas ang kaba siyang nanatili sa kaniyang puwesto. Mariin siyang napapikit na para bang gusto na lang niyang ipahigop ang sarili sa kawalan. Malaking gulo ang ginawa niya, at kapag nakarating ito sa headmistress ay paniguradong masisira na ang tahimik niyang buhay.

'Pain in the ass..'

Nang maramdaman niya ang isang kamay sa kaniyang balikat ay mas lalo siyang kinabahan pero nang lingunin niya ito ay-

"Sheiko.."

Walang imik siyang hinila ni Sheiko at dinala sa pinagtataguan niya kanina. Mabuti na lamang talaga at hindi siya nakita ng ibang tao, mahirap pagtakpan ang ginawa niya.

"Okay ka lang??" nag-aalalang tanong ni Sheiko sa kaniya.

"Mm.."

"Eugenie, ang galing mo.."

"Magaling 'yon?"

"Oo! Ang lupet ng ginawa mong lusot para makatakas bago pa maubos oras mo.."

"Wala ng ibang paraan e.."

"Nakaka-proud ka.." nakangiting ani Sheiko.

"Hindi ako nanalo.."

"Hindi na mahalaga 'yon! You surprised the audience! You surprised me! Hindi ko akalain na.. Na gano'n ka kalakas.."

"Sorry.."

"Hmm? Bakit?"

"Hindi ko nagawang tapusin ang laban.."

"Psh, h'wag mo na isipin 'yon, hindi naman 'yon importante.." diretso siyang tumingin kay Eugi. "You fulfilled your part to present Neo in the battlefield.. Hindi mo kami binigo.. Manalo o matalo ikaw pa rin ang champion, hahaha!"

"Salamat sa suporta.. Ang lakas ng boses mo, abot sa battleground.."

"Weh?? Hahaha, nahiya ako bigla.."

"Wala ka namang ganun e.."

"Kung nakita mo lang talaga kanina 'yung mga reaksiyon ng kaklase natin, hahaha! Ang sarap pictur'an e.. Panay amang sila Siasca habang pinapanood kang lumaban.. Tsk, tsk.. 'Di nila alam 'yung mortal na ina-api nila ang tunay na gumawa 'non.. Suckers!"

UNRIVALED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon