• CHAPTER 8 "Protect your base"

5.4K 302 19
                                    

MAKIPOT at matirik ang gubat na kanilang lalakbayin para sa gaganaping activity. Natatakpan ng malalaking puno ang liwanag ng umaga at nagkalat ang matitinik na sanga sa lupa. Mahirap dumaan at kailangan ng pag-iingat sa sinomang maglalakad dito. Hindi akalain ng mga estudyante na ganito ang venue ng kanilang activity, ang akala kasi ng nakararami ay gaganapin lamang ito sa loob ng isang maze.

Ganun'paman ay hindi na bago para sa mga estudyante na malamang may malaking gubat sa loob ng kanilang Academy. Malawak ang sakop na lupa ng Blue Haven kaya malaki rin ang posibilidad na hindi lamang isang gubat ang may'ron sa loob nito. Kumakalat rin ang mga balita sa ilang estudyante na maraming tagong lugar dito.

"Aray! May kumakagat sa hita ko!" reklamo ng babaeng Esper habang naiiritang pinagkakamot ang kaniyang hita. "I think some insects are biting me! Eww!"

"Balita ko, may ahas raw dito." nananakot ang tinig ni Sheiko. Wala talaga siyang nabalitaan na gano'n, nais niya lang talagang takutin ang ka-grupo niyang si Farah, dahil natutuwa siya sa magiging reaksiyon nito. Sa kanilang mag kaka-grupo, ito ang pinaka maarte pag dating sa mga ganitong bagay. Hawak ni Sheiko ang kanilang green flags, habang ang mga ka-miyembro niyang sina Benedict, Selca at Ton ay abala sa paghahanap ng mga easter eggs sa paligid.

"For real!? Eww!" halos masuka na sa pandidiri si Farah. Hindi siya makapag pokus sa kanilang activity dahil mas lamang ang kaniyang pagbabantay sa mga insektong mangangahas na dumadapo sa kaniya. "Ugh! Kung alam ko lang na ganito ang activity, I shouldn't have join! This is so yuck!"

"Farah, may ahas-"

"Ohmaygash! WHERE!?"

"HAHAHAHAHAHA!"

"ARGH! YOU'RE SO STOWPID!"

"HAHAHAHAHA!" hindi napigilang humagalpak ni Sheiko sa tawa. Paulit-ulit niyang iniisip ang nakakatawang reaksiyon ng kaniyang kaklase dahil sa kalokohan na sinabi niya. Napahawak pa siya sa kaniyang tiyan dulot ng matinding emosyon. Ilan pang segundo nang makaraos siya mula rito. "Laughtrip, hahaha! Nakakatawa 'yang mukha mo!"

"Shut up!" umiikot ang mga matang tugon ni Farah sa kaniya.

"Hoy, tumigil nga kayo. Tulungan niyo kaming maghanap ng easter eggs dito nang may dulot naman kayo." ani Ton kay Sheiko at Farah habang lumilinga ang paningin sa buong paligid. Inisa-isa nila ang bawat sulok, ngunit wala silang natanawan na easter eggs mula dito.

"Ang hirap naman nito, mas prefer kong mag test nalang kesa mag hanap ng mga easter eggs.. Nagmumukha tayong mga easter bunny nito." nakapamaywang na reklamo ni Selca. Magkakasama silang naglakad sa magubat na daan na pinangungunahan ni Selca. Kunot ang noong nakangiwi si Farah habang nakatingin sa lupa, binabantayan ang ilang insektong dadapo sa kaniya. Seryoso naman ang mukha ng tatlo nilang ka-grupo, habang pa chill-chill lang ang ngiti sa labi ni Sheiko na tumitingin sa kaniyang paligid.

UNRIVALED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon