Chapter One

15.2K 508 286
                                    

Banana


"Kuya magtatanong lang sana." Tinaasan ko ng kilay ang lalaking pagtatanungan ko. Humawak pa siyang salamin niya bago ako tignan ng mariin. "P'wede ba? Kasi kung hindi ay ayos lang naman din."

Nailibot ko ang lugar kung nasaan ako ngayon. Loob ng University. Sa Blackwood University. Sa University kung saan ay bago kong magiging eskwelahan kung saan mag uumpisa ang panibagong takbo ng mga susunod na araw ko.

May napansin naman akong isang babae na binabati ng ibang mga kapwa ko estudyante. Hindi ko na sana papansinin ngunit nakilala ko ito.

Swerte.

"Ah, oo. Ano ba iyo—"

"Huwag na pala, salamat." Ngumisi ako bago iwan ang pinagtatanungang lalaki na ang bagal sumagot.

Sinundan ko ang nakitang babae at makikisabay na lang ako.

"Magandang umaga, aking sinta!"

Isang magandang pagbati ko rito. Siya lang naman ang nag iisang si Dela Merced na umakit sa buong pagkatao ko.

Isang irap mula sa magandang mata nito ang ibinigay niya sa akin bilang sagot. Nakakabighani ang kaniyang katarayan.

Ilang araw ko din siyang hindi nakita. Totoo nga pala talagang makikita ko siya dito.

"Kay aga mo namang magsungit." Pansin ko ang ginawa nitong pagtingin sa kabuuan ko. "Huwag mo masyadong titigan at baka matunaw ang kagandahan ko." Pangalawang irap.

"Kahambugan 'yan. Estudyante ka dito? Dito pa talaga kita makikita." Tumango ako. Halata naman sa suot kong uniporme at sa kagandahang taglay ko habang nakatayo sa kaniyang harapan.

Mali pala, kasi sinusundan ko siyang maglakad papunta sa hindi ko alam. Sana ay madaanan niya ang sunod na k'wartong papasukan ko ngayong umaga.

"Ang ganda kong estudyante, ano?" Pangatlong irap. Hindi ko pinansin ang irap niyang iyon dahil mas nakaagaw sa atensyon ko ang suot nito bilang isang Professor. Tama nga si Patrice. "Ang pangit ng suot mo." Komento ko dito.

Hindi ko kasi nagugustuhan ang nakikitang suot nito. Masyadong sexy.

Masyadong nakakaagaw pansin.

Tumigil siya bigla sa magandang paglalakad niya kaya syempre ay tumigil din ako.

"Excuse me?!" Eksaherada nitong pagsagot sa akin. Hindi alintana ang ibang estudyante na panay ang tingin sa aming dalawa.

Parehas kasi kaming dyosa. Kaya talagang pagtitinginan kami. Basta ba ay h'wag akong ihanay o itatabi kay Alicia dahil magmumukha akong alalay niya.

"Dadaan ka mahal?" Biro ko dito.

Isang pagkakataas na kilay ang ginawa nito habang matalim na tumitig sa akin. Syempre, matamis na ngiti ang ibinigay ko pabalik sa kaniya.

"You're a hopeless case." Uso ba ang ganiyang salita pag wala ng maisagot sa ganda ko? Nailing akong sumunod sa kaniya nang magsimula na naman itong maglakad. "Bakit ka ba sumusunod?!" At malakas din pala ang boses nito kung magsungit.

Medyo masakit pala sa tainga.

"Hindi ako sumusunod, sadyang ang sunod na klase ko ay dito din ang daan." Pang apat na irap. Mukhang magiging gawain ko ang pagbibilang sa pag ikot ng mga magaganda niyang mata.

Ngunit isang kasinungalingan na naman ang ginawa kong pagrarason kung bakit ako nakasunod sa kaniya. Hindi ko alam ang susunod kung klase na dapat ay itatanong ko sa lalaking nakasalamin kanina.

"I can't believe, I'll see you here." Halata naman sa boses niya ang inis at hindi makapaniwala. "And guess, you are a student who doesn't have any respect for a Professor."

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Where stories live. Discover now