Chapter Forty three

7.6K 295 85
                                    

Banana


"Alam mo, Poppy? Mag jowa ka na. Jowain mo si Francine!" Pang iinis ko kay Poppy habang walang gana itong kumakain sa harapan namin.

Nakiupo lang ako rito sa kanila at nakikain. Pagdating ko kasi dito ay may mga kinausap akong tutulong sa amin nila Alex sa pagpunta sa bahay ng peke niyang tatay. Galing mang angkin ng pera ng iba hindi naman pala niya kadugo, ang puta.

Tapos nakita ko sila Poppy dito na tahimik ang buhay kaya binalak ko silang guluhin.

Narito kasi kami sa restaurant, ang "The Full House" na pag mamay-ari ng isang miyembro ng organization. Malaki rin itong restaurant na ito na ginagawa ng tambayan ng mga miyembro.

At oo nga pala. Dalawang linggo na rin kami nila Alex dito sa Pangasinan.

"Banana, that girl is straight! Si Green lang nilalandi ng babaeng iyon! I like her but she doesn't like me." Natawa ako ng mahina pero natigilan ako ng marinig ang pangalang Green na binanggit niya.

Pambihira talaga, Jade Green Imperial. Ibang klase, ang daming nakakakilala sa kaniya rito tapos ako parang tanga na walang kaalam-alam? Hindi ko maisip kung paanong nagmumukha siyang inosente sa harapan nila lalo na sa akin dati. Marami naman palang alam.

Sakalin ko kaya siya 'pag nakita ko 'no?

"Ano naman? Malay mo maging baliko dahil sa 'yo." Sabat naman ni Jacob habang ngumangata ng maraming fries na nasa harapan niya. Tinatapik pa niya ang kamay ni Poppy pag nagtatangka itong kumuha. Ang damot naman ng isang 'to pagdating sa french fries.

Napalingon ako sa paligid dahil parang medyo tumahimik. Nakakapagtaka dahil hindi naman sila ganito.

Nanlaki ang mata ko ng makita si Mrs. Jade kasama si Victoria? Pambihira! Bakit sila magkasama? At bakit sila nandito?

"BANANA!" Napaubo ako dahil sa gulat. Hindi ko inaasahan na tatawagin ako ni Mrs. Jade. Kinuha ko ang baso na may tubig at ininom ko iyon. Tinawanan pa ako nila Poppy na medyo ikinasinghal ko na lang.

Gusto ba akong patayin ng Mrs. Jade na 'to sa takot at kaba?! Hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon para magtago! Maliban na lang kung sinadya talaga niyang dalhin si Vic dito para mang asar.

Pambihira naman, oo. Tumayo na ako para lapitan sila kahit kinakain na ako ng kaba.

"Anong ginagawa niyo dito?!"

Sa dami ng tao at lugar ay hindi ko inaasahan na maliligaw si Victoria rito sa Pangasinan. Alam ba nila Tito na nandito ang anak nila?

Bakit naman hinayaan din ni Mrs. Jade na magpunta rito ang kaibigan niya?

Hinila ko na lamang silang dalawa sa mga kamay palabas ng restaurant. Nilayo ko sila at dinala malapit sa dalang sasakyan ko. Ano bang problema ni Jade at dito pa dinala ang irog ko?

"Victoria." Nagtataka itong nakatingin sa akin. Hindi ko na naman tuloy alam ang sasabihin ko. Alam kong nagtataka ito kung bakit narito ako. "Anong ginagawa niyo dito?"

Nandito kasi sa Pangasinan sila Tito. Dumaan sila dito kanina pero umalis din para pumunta sa mansyon. Kaya anong ginagawa ni Victoria dito?

"What are you doing here, Banana?"

"Pambihira naman mahal, ako ang unang nagtanong tapos sasagutin mo rin ako ng tanong?!"

"Eh, bakit ka nagagalit?!" Natawa ako ng peke dahil dito. Ang sungit-sungit na naman kasi ng itsura niya. Mukha din siyang pagod pero malakas pa ang loob na taasan ako ng kilay at sungitan. Bakit ba namumutla ang isang 'to? May nangyari ba na hindi ko alam? Malilintikan talaga ang tauhan ni Sanchez at Elliot pag may nangyari dito at walang sinasabi sa akin.

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon