Chapter Forty nine

6.9K 311 81
                                    

A/N: Trigger Warning! Read at your own risk.


Victoria


Ginagawa ko na ang lahat para lang makalas ang pagkakahawak niya sa dalawang braso ko subalit mas humihigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Tanging ang pag iyak na lang ang kaya kong gawin. Sinusubukan kong tadyakan ang katawan nitong nakapatong sa katawan ko habang ginagawan ako ng hindi ko gusto. Kaso masyadong mahina ang katawan ko para magawa ito ng maayos.

Ano bang kasalanan ko para mahantong ako sa ganitong sitwasyon?

"Victoria— kung sana ay hindi mo ako hinindian ay hindi mangyayari ito." Bulong nito sa tenga ko. Hindi ko mapigilang matakot ng maglandas ang isang kamay nito pababa sa dibdib at tiyan ko. Naglalaro ito doon bago siya umupo sa mga binti ko. Bakit ngayon pa nangyari 'to? "Mahal na mahal kita, alam mo naman iyon. Ano nga bang ayaw mo sa akin, Victoria? Masarap naman akong magmahal, masarap ako magpaligaya."

Nandidiri ako at nasusuklam sa kaniya.

"Itigil mo na 'to... please, pakawalan mo ako— A-Ah!" Isang malakas na suntok ang naramdaman ko sa tiyan ko. Hindi ko napigilang umiyak at mapasigaw ng malakas dahil dito. Sobrang sakit na halos hindi na ako makahinga sa pagkakasuntok nito. Siguradong magkakapasa ako dahil dito. "H-Help..."

Napahawak pa ako sa tiyan ko at naghabol ng hininga. Sobrang sakit na akala mo ay hindi babae ang sinasaktan niya.

Walang hiya siya!

"Vic, oh, Vic. Huwag ka na kasing pumalag." Muli ay naramdaman ko ang mga kamay nitong nag aangat ng damit ko. "Vic, shhh." My heart is pounding so hard and I am so broke right now. Kinakabahan ako at sobrang takot na takot na. Wala akong lakas dahil sa laki ng katawan nito at malakas na puwersang ginagamit niya sa akin.

Nalalasahan ko na rin ang luha sa mga labi ko. Nakita ko pa ang paglagay nito ng daliri sa bibig na parang pinapatahimik ako. Umiiling siya habang nakangiti. Halatang natutuwa siya sa itsura kong alam kong namumula ang mukha at basang-basa ng luha. Mahapdi na ang pisngi ko dahil sa pagsampal nito sa akin kanina. Naibaba na rin ang busal sa bibig na nilagay niya sa akin kanina lang. Wala na akong lakas, nagamit ko na lahat sa pagpilit na makawala sa mga kamay niya.

Paulit-ulit akong umiiling sa kaniya, umaasang itigil niya ang balak niya sa akin.

Sobrang nagsisisi akong sumama sa kaniya rito sa hotel na ito. Hindi ko inaasahan na sasaktan niya ako at ipipilit lang ang sarili niya sa akin.

Hindi ko naman alam na iba na pala ang balak niya. Ang alam ko lang ay nagpapasama ito pero bakit nasa ganitong sitwasyon na ako?

Gusto ko ng sumuko dahil alam kong wala rin makakarinig sa akin para tulungan.

Diyos ko, tulungan mo ako.


"NO! NO! NO! DAMN IT! PLEASE, LET ME FUCKING SLEEP TONIGHT!"

Panaginip.

Masamang panaginip na naman. Naiiyak akong bumangon at ginulo ang buhok ko sa sobrang inis. Dumaan na naman ito sa panaginip ko ng walang kahirap-hirap.

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon