Chapter Thirty eight

8.1K 287 46
                                    

Banana


"Is Banana na mukhang unggoy is here?" Napasinghal ako ng malakas ng marinig ang tanong na 'yon sa labas ng gate.

Boses pa lang ay alam ko na kung kanino galing 'yon.

"Ginagawa niyo rito, ha?" Napaikot ako ng mata pero sa huli ay ngumisi pa rin ng makita si Alicia at Alex na sakay ng isang sasakyan. Ang aga-aga ay narito sila para lang asarin ako.

Nakahiga kasi ako sa damuhan sa ilalim ng puno dito sa garden namin at saktong bukas ang gate namin. Naupo ako para makita sila ng maayos.

"Sinusundo ka."

"Pangit mo naman, Alicia. Ikaw talaga nagtawag sa akin ng mukhang unggoy, really? Hindi ako sasama." Reklamo ko pa habang natatawa.

"Join us." At dahil si Alicia 'yan ay hindi talaga niya pinansin ang sinabi kong 'yon.

"Saan?" Hindi ko naman kasi alam na pupunta sila ngayon.

"I'll tell you later, hurry up!" Nailing ako ng mabagal. Alam ko na kung bakit sila nandito kahit hindi na ako magtanong ulit. Buti at naalala ko pa, akala ko ay tatambay sila sa kung saan e. May pupuntahan naman pala kami.

Tumayo na ako at inabot ang cellphone ko na inilagay ko sa sanga ng puno na malapit sa p'westo ko.

Busy ako at heto sila. Iniistorbo ang pag iisa at pag iisip ko. Hindi ko alam na ngayon pala kami aalis. Hindi pa naman kami pupunta ng Pangasinan a.

"Alicia Santillan naman. Kila Silvestre na ba?" Walang ganang tanong ko habang lumalapit sa kanila. Kasama naman na pala niya si Alex e kaya bakit sinundo pa ako ng mga ito?

Pambihira, hindi ba siya makakapunta ng wala ako? Gano'n ba ako ka-importante? Nakakaiyak naman ang kaibigan kong 'to.

"Oo, kila Silvestre." Sumakay na ako ng sasakyan ni Alicia at sa likod pumwesto.

"Akala ko ba bago tayo magpunta ng Pangasinan tayo pupunta sa kanila? Hindi pa naman tayo aalis a." Ang mga ito talaga. Dapat ay sinabihan muna nila akong pupunta kami ngayon para ipinagpaliban ko muna ang pagtambay ko.

Pambihira, baka naiinip na naman sila at wala na namang magawa kaya pati ang ibang bagay na naka schedule sa ibang araw ay ginagawa na ngayon. Ang isang Alicia Santillan pa ba? Hindi pa man din graduate ay marami ng pinapaiyak na business partners dahil sa oras. Pag wala kasi siyang magawa ay biglang nagtatawag ng meeting sa mga client nila. Paano na lang 'pag may ibang meeting sa oras ding iyon? Well, lagi namang gano'n ang nangyayari.

"Bored. Kailangan ko na rin ang baril ko, Banana. Kung hindi maibabalik sa akin ay bahala na si Silvestre na pumatay sa kaniya." Ngumisi ako.

Heto, heto ang mundo na kinabibilangan namin. Ang gumawa ng ilegal pero papatay sa mga gumagawa ng ilegal. Magulo talaga kami sa organization pero ganito talaga. Depende 'yan kung gaano ka kabait o demonyo. Pero hindi naman kami basta papatay e dahil tauhan ang gagawa sa amin no'n, hindi kami. Depende na siguro 'pag pamilya na ang binangga sa amin ay syempre talagang gagawa kami ng masama.

Ang mundo kasi ay hindi naman talaga tahimik. Pinipilit lang ng organisasyon na gawing tahimik ang lahat gamit ang pagiging bayolente. Pera ang nagpapatakbo sa lahat at kapangyarihan.

Hindi lahat ng tao ay maayos at mabait. Lahat ay nakaasa sa pera, sa kapangyarihan, sa ganda ng pangalan, at kayabangan dahil famous daw sila. Lahat ay gusto ng kapangyarihan kahit mabait ka o pangit ka. Lahat ay nadadala sa kasakiman. Bakit ka pa ba magtataka? Walang k'wenta ang lahat pag wala kang kapangyarihan at pera. 'Pag wala kang katayuan sa buhay ay sasabihin ng lahat na wala ka ng k'wenta at wala kang kayang gawin. Walang k'wenta ang buhay 'pag wala ka ng lahat ng iyan.

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon