Chapter Forty five

7.5K 276 40
                                    

Banana


"Bakit labing lima lang kayo? Nasaan ang iba? Sila Luna nasaan na?" Takang tanong ko sa mga taong nakatayo sa harapan ko. Ngayong gabi ang punta namin sa bahay ng uhuging tatay ni Alex. Kaso bakit pabagal-bagal gumalaw ang iba? "Hindi ba't dapat ready na ang lahat? Nagsabi na ako kaninang umaga sa inyo—"

"Miss Crescencio— saglit! Sorry, Madam! Late kami!" Napairap ako. Halatang pagod itong si Luna at naghahabol naman ng hininga si Jacob. Siguradong si Poppy na naman ang dahilan nito kung bakit late silang dalawa. Pambihira, inaasar ba ako ng babaeng iyon sa pamamagitan ng pagiging late ng dalawa? Alam niyang ayokong may late sa usapang oras e.

"Ang usapan ay ala sais." Madiin kong saad.

"Si Madam Poppy po kasi e." Tumitig lang ako rito kay Luna na siyang nagsalita. Sinasabi ko na nga ba siya na naman ang rason. Naiintindihan ko ang tuktok ng ulo ng babaeng iyon. Baka may pinagawa sa kanilang karumal-dumal na naman. Halimbawa na lang ng pag puno ng tubig sa swimming pool gamit ang tabo o kaya timba. Gano'n ka-sira ang ulo ni Poppy pero mas sira ang ulo nitong dalawa sa pagiging uto-uto sa amo.

Poppy, tunog aso ang walang hiya niyang pangalan. Bakit ba Poppy ang pangalan ng isang 'yon?

"Alam naman ninyong importante ang gabing ito. Bakit naman ngayon pa kayo nagpapa-late?" Minsan kasi ang hirap kausap ng mga ito pagdating sa oras e. "I said this is a mission then everyone should cooperate! Hindi ko naman kayo isasabak sa misyon na ito ng wala lang!"

Nag umpisa ng uminit ang ulo ko.

"Pasensya na, Madam." Napayuko ang dalawa. Wala akong nagawa kung hindi ang magpakalma ng sarili dahil kung pagsasabihan ko pa sila ng matagal ay mas lalong mauubos ang oras ko.

"Ayoko ng maulit ito. Pinatawag ko kayo ng mas maaga dahil gusto kong mauna na kayo sa address ng lugar na binigay ko sa inyo. Dalhin niyo ang ilang mga gamit na pinahanda ko sa inyo. Kasama niyong muuna si Elliot dahil siya ang magsasabi kung ano ang gagawin niyo doon." Nilapitan ko ang mga box na nasa tabi at binuksan ito. "Use this one to lure them. Alam niyo naman ang gamit ng bomb na 'yan kaya pakiayos sa paggamit at baka kayo na naman ang mamatay. Gusto kong mapadali ang gabing ito kaya inaasahan kong lahat ay gagalaw ng maayos. Magbigay din kayo ng mga ganito sa mga tauhan ni Elliot. Nauna na pala ang mga tauhan niya sa lugar at ang dapat na lang ninyong gawin ay sundan sila." Gumalaw naman sila para tignan ang box na binuksan ko kanina. Tinignan ko naman ang hawak at ngumisi na lamang. "Siguro naman ay nagkakaintindihan tayo rito?"

"Yes, Madam." Tumango ako. Pinaghati-hatian nila ang laman ng box bago nagsitango sa akin.

"Mabuti. May tanong pa kayo?" Tinignan ko sila isa-isa. Mukha namang handa na sila.

"Anong eksaktong oras ang alis namin?"

"Ngayon. Nasa labas na ang mga sasakyan niyo. Handa na at kayo na lang talaga ang hinihintay. Susunod kami nila Gabriel doon." Kaniya-kaniya silang tango at nagsimulang mag ayos ng gamit. "Alis na kung handa na ang lahat, nasa labas si Elliot na sabay sa inyong aalis."

Hinayaan ko na silang gawin ang mga gusto nilang gawin.

Ayoko na rin talagang patagalin pa ang lahat. Nag iisa lang naman ang tatay ni Alex. Well, may mga tauhan siya pero alam kong walang mga laban ang mga iyon sa amin. Mahina naman ang huklubang lalaking 'yon dahil sa pagtatago niya. Kaduwagan ang meron sa lalaking iyon dahil nagtatago lang siya sa likuran ng mga tauhan niya.

Iniisip ko pa nga kung ano ang magiging reaksyon niya 'pag nalaman niyang kasama ng isang Gabriel ang isang Crescencio na tulad ko. Matutuwa kaya siya? Sana naman ay oo, mas maganda kung makikita ko kung paano siya patayin ni Alex dahil sa sobrang galit. Hindi na rin talaga ako makapaghintay dahil sa wakas ay maisasakatuparan na ni Alex ang matagal na niyang gustong gawin.

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon