Chapter Thirty nine

7.5K 311 66
                                    

Banana


Narito ako sa bahay nila Victoria

Binuntutan ko siya maghapon. Ayaw kong iwan dahil alam kong bukas ay aalis na kami papuntang Pangasinan. Hindi ko alam kung gaano kami katagal doon at kung kailan ang eksaktong pagpunta namin sa bahay ng tatay ni Alex pero sigurado na ang pagpunta sa Pangasinan.

Ang nakakainis pa ay aalis na nga kami bukas pero hanggang ngayon ay hindi ko pa nakakausap ang kaibigan nitong si Victoria na si Mrs. Jade dahil hindi ko siya ma-tyempuhan.

"Banana! Stop disturbing me!" Natatawa naman ako kay Vic na busy sa mga ginagawa niya. Tapos ako ay taga istorbo lang sa kaniya.

Nagchecheck kasi siya ng assignment at activity na galing sa mga kaklase ko. Tinitignan ko lang ito at naiiling minsan dahil sa taas ng standard ng irog ko. Konting mali at makitang dumi sa papel ay inis na inis na siya. Tapos dagdagan pa natin ng kakulitan ko ngayon na mas ikinakainit pa ata ng ulo niya.

Sa totoo lang ay nasa alas diyes na ng gabi. Tulog na nga rin si Ashlyn kahit gusto ko pa siyang makalaro dahil namimiss ko na nga siya. Kaso pinapagalitan ako ng irog ko. Nakakatuwa talaga ang kasungitan sa akin na akala mo gusto na akong itapon palabas ng mundo.

"Itatanong ko lang naman kung paano 'yong laboratory activity namin sa 'yo. Hindi ko kaya naiintindihan!" Pagpapalusot ko rito habang binabagsak ang bukas na bag sa tabi ng kumpol na papel sa mesa. Ang dami-dami ba naman.

Ilang section ba ng course namin ang hawak niya at papabawasan ko ng estudyante— ay mali pala. Papabawasan pala ng section.

"Paanong hindi mo maiintindihan kung lutang ka at wala ka ng ibang ginawa kundi ang tumitig at guluhin ako sa klase?!" Iritadong sagot niya sa akin. E, alam kong totoo iyon. 'Pag siya na kasi ang nasa harapan ay hindi ko maiwasang mamangha sa galing niyang magturo.

Kaso lagi ba naman daw akong pagalitan dahil sa hindi raw akong nakikinig. Ilang beses pinapalabas kahit sobrang behave ko na sa klase niya.

"Ang ganda mo kaya habang nagsusungit sa klase! Mamaya na kasi 'yan! Dapat focus ka muna sa akin, Mahal. Ipaliwanag mo sa akin kung paano itong laboratory na ito." Dapat kasi nakatutok ang atensyon niya sa akin ngayon e. Kaso grabe, pinagdadamutan niya ang asawa niya ng oras! Hindi makatarungan!

"Shut up now, Banana. Ang dami ko pang ginagawa. Wala ka bang gagawin at ako ang ginugulo mo ngayon?" Napasimangot naman ako sa kaniya.

"Meron naman na akong ginagawa a."

"Ang guluhin ako?" Napahagikhik ako na parang bata rito dahil sa pagkakakunot ng noo niya. "What's funny? Kung tulungan mo na lang kaya ako rito? Hindi 'yong ginugulo mo ako."

"Ang sungit mo naman, Irog. Kiss na lang kita?" Pagpapacute ko pa. Natawa ako ulit dahil namula ba naman bigla ang pisngi niya.

"Ewan ko sa 'yo! Go home and stop disturbing me!"

Hindi naman na ako umimik at tumitig na lang sa kaniya. Ayokong umuwi agad 'no.

Pinanood ko na lang siyang nagrereklamo kesyo raw bakit ang daming plagiarized sa mga papel na hawak niya. Kesyo bakit hindi raw nag aaral ang mga estudyante niya ng mabuti.

Sa panonood ko sa kaniya ay naalala ko ang course ko sa Blackwood University.

Ang hirap pala maging Development Communication student. Ang daming pinapagawang laboratory activities tapos puro papers pa at materials ang ilang mga assignment, puro lab activity, at ang tataray ng Professor. Kung bakit ako naging DevCom student ay hindi ko rin alam. Basta gusto ko lang mag aral. Nakatakda naman na ang buhay ko mula dati pa lang. Wala ng ibang pumasok pa sa isip ko kung ano ba talaga ang gusto ko.

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon