Chapter Forty seven

7K 282 30
                                    

Banana


"Wala na ba talaga kayong balak pumasok?" Reklamo ng kasama ko. Napailing na lang tuloy ako.

"Ilang buwan na, Amanda. Wala na sa plano ko 'yan." Wala na sa plano ko ang pumasok ng University pero ga-graduate pa rin naman ako. Nag aaral pa rin ako online at nagpapasa ng mga hard copy activities sa eskwelahan. "Ang bagal mo naman mag drive."

"Rereklamo ka pa diyan e ikaw na nga itong humihingi ng pabor." Umismid ito sa akin bago mas binilisan ang pagmamaneho.

"Ang init naman ng ulo mo, bakit ba ikaw ang tinawagan ko?" Napapakamot ako sa ulo. Pinapaayos ko kasi ang sasakyan ko dahil nasira, kaya ito at nagpahatid ako kay Amanda papunta sa school ni Ashlyn.

"Kasi maganda ako." Natawa ako rito. "Ayaw mo na naman maniwala? Ang pangit niyo naman."

"Maganda ako, Amanda. Ewan ko sa 'yo at hanggang ngayon ay hindi mo pa rin nakikita ang kagandahan ko. Bulag ka ata pagdating sa ganda ko e. Nakakabulag ba ang nakakasilaw na ganda ko?" Imbes na sumang ayon ito sa akin ay umiling lang siya at natatawa. Pambihira, maganda ako pero ayaw talaga niyang paniwalaan.

"Hindi ka na talaga nagbago." Aba, syempre! Kung sino si Banana noon ay ako pa rin hanggang ngayon.

Napansin ko naman na nakapasok na kami ng school. Deretso itong nag drive hanggang sa makapasok at marating ang elementary building.

"Sa wakas." Komento ko na ikinaismid ng kasama ko.

Bumaba na ako at kinuha sa backseat ang dala kong regalo para kay Ashlyn. Maski si Amanda ay bumaba at sumabay sa akin papunta sa harap ng elementary building.

"Kailangan pa kitang ihatid kila Silvestre, hindi ba?"

"Oo. Kailangan kong magpunta."

Nandito na nga pala kami sa Manila. Oo, dalawang buwan na rin kami rito maliban kay Alex at Alicia. Pagkatapos kasi ng gabing misyon namin sa tatay ni Alex ay mabilis akong bumyahe pauwi rito.

Nagsindi ako ng sigarilyo habang naghihintay ako ng mahinahon na matapos ang klase ni Ashlyn. Binaba ko naman ang mga hawak ko sa damuhan kasama ang bag ko. Minsan ay kailangan ko rin talaga ng pasensya pagdating sa mga ganitong bagay. Tutal ay ang anak ko naman ang hinihintay ko.

Nandito ako sa Manila pero kay Ashlyn pa lang ako magpapakita kahit alam naman ni Tita at Tito na nandito ako.

Si Ash din talaga ang sadya ko kaya ako narito sa school nila. Napagdesisyunan kong huwag munang magpapakita kay Victoria kaya iwas na iwas akong hindi niya makita.

"Mama!" Napangiti ako ng malaki ng marinig ang boses na iyong mula sa anak ko. Tinapon ko ang hawak na sigarilyo bago ito apakan. Naupo ako at binuka ang mga kamay ko para sabihing yakapin niya ako. Tumakbo naman ito sa akin at niyakap ang mga maliit na kamay nito sa batok ko. "Mama, you are here! I miss you po!"

"I miss you too, Babe. Kumusta ang big girl ko?" Ilang buwan ko rin siyang hindi nakita. Parang mas nagma-mature na ito habang tumatagal pero alam kung bata pa siya para sa mga bagay na nangyayari sa paligid niya.

Nag aalala ako para rito. Bata pa siya pero heto at nasa kapahamakan siya. Hindi lang talaga si Victoria kung hindi ay pati na siya mismo.

"I'm happy kasi you are here po!" Hinalikan ko ang noo nito dahil sa sobrang laki ng pagkakangiti niya.

"Sino ang magsusundo sa iyo ngayon?" Tanong ko rito habang hawak na siya sa magkabilang balikat niya. Baka kasi si Victoria ang magsusundo at kung siya man ay kailangan kong magmadali upang umalis.

"Si Mamita po!" Nakahinga naman ako ng maayos. Mabuti pala at hindi si Victoria.

"Ash, meet my friend." Nilingon ko si Amanda. Nakangisi lang siya sa akin. "She's your Tita Amanda."

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon