Chapter Fifty eight

8.1K 326 114
                                    

Victoria


"Vic, natutulog ka pa ba? Bakit parang panda na 'yong itsura mo?" I rolled my eyes at Toni's comment upon seeing me. She and Lila are now staring at me kaya naiinis ako sa kanila.

Iniistorbo nila ako. Nag aayos din kasi ako ng mga gamit ngayon.

Hindi ko nga rin alam kung bakit sila narito ngayon.

"Ewan ko sa 'yo, Toni. Huwag mo kasing pansinin ang eyebags ko."

"Tanga mo kasi e." Nagulat naman ako sa reaksyon na 'yon ni Lila. "Pinapabayaan mo 'yang sarili mo—"

"Hey, guys!" Save by Cathrice! Bigla itong pumasok ng k'warto kung nasaan kami ngayon. Dito mismo sa k'warto kung nasaan si Banana. "Meryenda na muna kayo. Miss Vic, dinalhan na kita. Kayo naman, Ate Toni at Lila. Bumaba na po kayo at do'n na lang kayo kumain kasi gusto rin kayong makausap nila Silvestre. Nasa kusina lang sila." Nakita ko naman na napasimangot si Lila sa kaniya habang nag agree lang si Toni kay Cathrice na may dalang pagkain at tubig.

Binaba niya ito sa tabing mesa bago ngumiti sa akin at lumabas na ng k'warto.

"Ilang days na ba siyang tulog?"

"Days?" I sarcastically reply. "She's been sleeping for almost 2 months now, Toni. Hindi pa rin siya nagigising. Ano bang ginagawa niyo rito?" I hissed at Toni and Lila na bigla na lang dumating kanina tapos deretso sila rito sa k'warto. Tapos hindi na ako nilubayan dito sa k'warto ni Banana at kung ano-ano ang napapansin gaya na lang ng eye bags ko.

Titig na titig pa silang dalawa kanina kay Banana. Hindi raw sila makapaniwala na nakikita si Banana sa ganitong sitwasyon.

Na-coma ba naman ang isang Crescencio. Lantang saging siya ngayon.

Lila shrugged her shoulders off at me.

"To visit you. 'Pag bumabalik ka kasi sa Manila hindi mo na kami nahaharap. After your class every Friday, bumabyahe ka na papunta rito. So, we asked Banana's friend if we can go here." Napaiwas naman ako ng tingin sa kanila. That's true, bago mag weekends ay bumabyahe na talaga ako papunta rito para bantayan si Banana.

"Kapag talaga si Tala naghinala sa inyong dalawa ay lagot kayo kay Alex! Ilang buwan na niyang hindi nakikita si Alexandria. How is she by the way?" Kahit kay Tala ay hindi ko maiwasang mag alala.

"Ikaw, Vic? Are you okay?" Natigil ako sa ginagawa kong pag ayos sa mga gamit ni Banana dito sa loob ng k'warto niya. Wala na nga rin pala siyang mga aparato ngayon. Sabi nila ay sobrang delikado raw talaga ng ginawa niya. Nangyari na rin daw ito no'ng nasa elementary si Banana, tulog daw siya for almost a month and now, mag tu-two months na pero hindi pa siya nagigising.

Okay naman na raw siya sabi ng Doctor na tumingin sa kaniya. It's a private Doctor na nagwo-work din daw sa Organization nila. Baka raw bumabawi lang ang katawan niya kasi medyo mahina pa ito kahit okay na siya.

I already met Tito Forest, by the way. Kasama ni Tita Eliz na nagpunta rito the day na dumating rin ako rito kasama nila Jade.

Tito Forest is intimidating that I can't even talk to him. Lalo na at naabutan pa nila akong umiiyak that day dahil pinapagalitan ko si Banana habang tulog. Nahihiya rin naman ako but Tita Eliz supports me para hindi mahiya sa harap ni Tito.

Tito welcome me with a hug. Nag aalala siya kay Banana but still delighted that Ban finds her home through me. I didn't know what to say. I just smile and hug him while sobbing.

"I am okay. Gigising rin naman siya." I shrugged. Nagagalit na nga sila Alex sa akin dahil sa ginagawa kong pagbyahe rito after ng klase ko pero hindi naman ako nakikinig. Wala sa akin ang pagod at puyat. Ayaw nilang dalhin si Banana sa Manila kaya wala rin akong pakialam sa pagba-byahe kahit mapagod pa ako.

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon