Special Chapter II

4.2K 155 11
                                    

"Mommy?" Tumatakbong si Ashlyn ang papalapit sa akin habang tinatawag niya ako. May hawak siyang bola kasi nakikipaglaro siya sa mga kaibigan ni Banana na nandito rin.

Nandito sila kasi weekend at oras na raw nilang manggulo at the same time mag rest kasi pagod sa mga kaniya-kaniya nilang trabaho.

Technically, Amanda, Cathrice, and Patrice lang ang nandito kasi wala si Tala, Alicia, at Hera kasi mga busy din sila. But Summer came together with her son and also Hydra.

"Yes?" Nag abot ako ng isang towel sa table. Nakaupo lang ako rito sa tabi kasi hindi ako p'wedeng gumalaw nang gumalaw. Pagkalapit ni Ash ay ako na ang nagpunas ng pawis niya. "Pawis na pawis na, Ash."

"Hindi po ba pupunta si Jesryl dito?" I shooked my head. "Why?"

Sabi na hahanapin na naman niya ang kaibigan niya.

"Jes is busy kasi, Ashlyn. She's helping your Ninang Jade kasi remember, magagalit si Tita Alicia sa kanila if aalis sila." Busy din kasi ang mag asawa ngayon at babawi na lang sila sa susunod.

"Bakit po hindi na lang siya sumama rito?"

"Because your Tita Ali doesn't feel good, Ash." Pagsasabi ko sa kaniya ng totoo.

Naging malapit na magkaibigan din si Ashlyn at Jesryl simula no'n. They became playmates and a best friend.

"Hm, that's sad po. I want to play with them also."

"Babawi na lang daw sila sa susunod, Ash. Kaya no worries na." Tumango-tango naman siya sa akin. "Makipaglaro ka muna kay Samuelson, alright?"

Samuelson is Summer's son that is now three years old. Paano naman kasi, ilang buwan pa lang ang dumaan pagkatapos ng kasal nila Galaxy before ay nalaman din naming buntis na siya.

Kaya ayan may Samuelson na siya.

"Okay po! But Mommy, when will my two sisters be born?" I smile at Ashlyn. She holds me and starts caressing my tummy— my big tummy to be exact. Araw-araw niya itong tinatanong sa amin ni Banana. "Mom, I'm thinking what will be their name!"

And yes, I'm pregnant.

"At anong naisip mo, Ash?" Ngiting tanong ni Banana dala ang mga basong may juice. Kasama si Amanda na may dala ring juice at nakasunod si Summer hawak ang mga pagkain.

We are in the garden, dito sa likod ng bahay, resting and nakikipaglaro sa mga bata.

I am pregnant with my twins and I and Banana undergo IVF or In Vitro Fertilization after our wedding.

Remember that Banana became my Wife only in papers legally but she proposed to make it more legal at hindi lang sa papel. That happened the night before Alex and Tala's wedding.

5 months after ng kasal nila Alex ay kami na ang sumunod na kinasal.

And our wedding is the best thing that happened to me plus the twin in my tummy. With her, everything is okay, it's happiness. She gave me strength, life, peace, and love. Binigay niya rin kay Ashlyn 'yon. Even though she's a woman, she can provide all things that a man can give to his Wife.

Banana is a man and woman in our family. She became the foundation and gave us the protection we needed.

Hindi siya nagkulang.

Kahit isa siyang Crescencio, kahit na damay na kami sa lahat ng responsibility niya hindi iyon naging hadlang para maging masaya kami.

She always makes sure na safe kami ni Ash. Although, natatakot ako for Ash na alam ko pagdating ng araw, magiging in charge siya sa paghahawak din ng ViPe Organization.

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon