Chapter Three

10.4K 443 76
                                    

Banana


Tahimik lamang akong nakahiga dito sa likod ng isang bench. Hindi ko nga alam kung bakit dito ko pa naisipang tumambay o mahiga kahit marumi.

Antok na antok na kasi ako kanina pagkatapos kong takasan ang huling klase.

Ang tahimik dito maliban sa mga dumadaang saakyan pero mukhang may mababasag ata ako ng mukha dahil sa ingay ng lalaki na naririnig ko.

Tanggalan ko kaya ng dila?

Ang pinaka ayoko sa lahat ay naiistorbo ang pananahimik ko pag nagigising ako.

Ang ganda nang pagkakagising ko e. Tapos may maliligaw na kurimaw dito? Tatanggalan ko talaga ng dila 'yan e.

"Sumama ka na sa akin, Miss. Wala ka ng masasakyan pa dito." Dahan-dahan akong tumayo at sinilip ang lalaking kanina ko pa naririnig na salita nang salita. "Ihahatid naman kita sa inyo e."

Paano kasi ay mukhang may pinipilit itong sumama sa kaniya. Eh sa naririnig ko na hindi naman ata siya kilala.

Feeling close ang kurimaw.

Medyo naririndi na rin ako dahil paulit-ulit lang ang sinasabi nito na akala mo hindi marunong makinig.

Para siyang isang sirang plakang hindi maayos-ayos.

"Ano, Miss. Tara na?" Nagtataka ako sa likuran ng babaeng kausap ng pangit na lalaki ng makita ko na ito. Sa nakikita ko kasi kasi ay parang kilala ko kung sino ang babaeng ito.

Nag init ang ulo ko ng makilala at makita ang aking irog na pilit tinatanggal ang braso sa kamay ng pangit na lalaking ito.

Ang irog ko.

"Kuya, anong ginagawa mo?" Tumayo na ako at simpleng lumapit sa kanila. Umupo ako sa tabi at humikab. Tinaasan naman ako ng kilay ng irog ko nang makita ako. Dapat nga ay natutuwa pa siya dahil nandito ako. At least ay may kasama na siya at wala pang mangyayari na masama sa kaniya. "Sinasaktan mo na 'yan e."

Superhero niya ako sa mga oras na 'to. Oh 'di ba, kagandang hero niya ako?

"Ano bang pakialam mo? Kasama ko 'to!" Sumimangot ako. Mukha nga siyang pangit na goons tapos sasabihin pa sa akin na kasama niya ang magandang irog ko? Nagpapatawa ata siya kaso hindi naman ako natatawa. "Umalis ka na Miss at h'wag ka ng mangialam dito."

Ang yabang pa nitong tinanguan ako at hinawakan ng mahigpit ang kamay ng irog ko. Ang kapal ng mukha nitong hawakan ang mapapangasawa ko.

"Excuse me? I don't even know you!" Mahina akong natawa dahil sa pagsusungit ni Miss Dela Merced. Kahit sino talaga ay susungitan niya pero syempre, isa itong pangit na goons kaya hindi siya matutuwa. "Don't touch me!"

Tumayo na ako dahil naiinip na ako. Ayaw pa rin kasi niyang bitawan ang irog ko. Ayaw ba naman tantanan.

"Bitawan mo na, Pare." Tumayo ako sa harap niya at mabuti namang binitawan niya ang kamay ng aking sinisinta. Napakagandang pakinggan, aba. "Baka magulpi kita at mawala ang pose ko sa harapan ng Irog ko."

Tsaka dapat ay walang naglalakas loob na hawakan ang kamay niya kung hindi ako lang dapat.

"Pakialamera ka!" Nakataas ang tingin nito sa akin dahil hanggang balikat ko lang naman ang tyanak na ito. Buti pa si Alexandria ay cute na tyanak at nagagawang abutin ako.

"Alis na, Pre." Sobrang sama ng tingin nito sa akin. Subalit wala akong pakialam. Papadampot ko siya sa mga kilala kong kapre para madala siya sa kalahi niyang tyanak. "Mukha namang hindi ka kailangan dito e."

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon