Chapter Fifty two

8.1K 417 162
                                    

Banana


Nakatulog na si Ashlyn habang nakaupo paharap kay Victoria. Napagod ata ang bata sa nangyari kanina kaya maiintindihan ko kung bakit. Dapat ay i-treat ko siya para naman gumaan ang pakiramdam niya.

Bata pa siya kaya kahit naging brave siya ay alam kong may mabubuong takot ito sa ibang tao. Maging okay man siya ay alam ko na may maliit na maiiwang trauma doon.

Napabuntong hininga na lang talaga ako sa nangyari. Nilingon ko muli si Victoria na ayaw ilagay si Ash sa back seat. Parang ayaw pa niyang bitawan at takot na takot na siyang gawin ito.

Kahit ligtas na silang dalawa ay gano'n pa rin ang pag aalala ako sa kanilang dalawa lalo na kay Victoria.

Binilisan ko na lamang ang pagpapatakbo ng kotse ko para maihatid ko na sila pauwi. Tahimik lang din si Victoria na nakapikit habang nakapatong ang ulo sa bintana ng sasakyan ko.

Mula ng makasakay kami ng sasakyan ay hindi na siya nagsalita pa. Ayaw ba niya akong kausapin? Sinabi ko lang naman kanina na bagay sa kaniya ang singsing ko e tapos tinalikuran na lang ako nito. Partida iniirapan pa ako. Akala mo walang kasalanan sa akin e. Ha, syempre may kasalanan din siya sa akin 'no.

Nag focus na lang ako sa daan at nag isip. Gusto ko na sanang magsabi kay Victoria tungkol sa akin. Baka mamaya dumating pa ang araw na hindi ko masabi lahat ng gusto kong sabihin. Baka hindi ko maamin ang dapat na aminin.

Hindi bale at kaya ko ito.

Dapat lakasan ko ang loob ko na magsabi na sa kaniya. Kung hindi kasi ngayon ay kailan pa hindi ba?

Tinigil ko na ang sasakyan ng tinapat ko ito sa bahay nila ng makarating kami. Bubuksan sana ni Victoria ang pintuan ng pigilan ko siya.

"Ako na, Mahal." Lumabas ako ng sasakyan at umikot para pagbuksan ang dalawa. Wala namang imik si Victoria. Tinulungan ko na lang siya kay Ashlyn at kinuha sa kaniya para mas makababa siya ng maayos. Mabuti na lang talaga at hindi na ako sinaway pa o ano. Ang sungit kasi niya pero naiintindihan ko naman kung bakit siya ganito.

"Jade?" Napailing ako ng palihim ng makita si Jade na tumakbo palapit kay Victoria at niyakap ito.

Nandito na pala siya agad. Ang bilis niya ha.

"Vic! Mabuti at ayos lang kayo."

"Alam mo na?" Tumango sa kaniya si Imperial. Sumabay pa sa amin na makapasok ng bahay nila Victoria. Nasa loob si Tito at Tita na tinawagan ko kanina bago kami umalis sa park.

Syempre ay alam ni Imperial ang nangyari. Ang isang 'to talaga. Hindi na lang kasi niya sabihin ang tungkol sa pinagkakabalahan niya sa buhay. Si Victoria naman 'yan e.

"Victoria, anak!" Umiiyak na niyakap ni Tita si Victoria. Nilapitan naman ako ni Tito at nginitian ako. "Are you okay?! Wala namang masamang nangyari sayo?!"

"I'm okay, Mom." Kahit halata namang hindi e.

"Are you sure? How about Ashlyn? May sugat ba siya? Ano—"

"Mom, I and Ash are now safe." Ngumiti si Victoria sa kaniya at niyakap si Tita ng maayos. "I am, so don't worry. Ipapakulong natin siya."

Hindi, Vic. Hindi siya aalis sa puder ko. Ako ang bahala sa kaniya.

"Banana, salamat at dumating ka. Kung hindi ay hindi natin alam ang nangyari sa kanila. Nasaan nga pala si Enrico Magallanes?" Nadagdagan na naman ang kasalanan nila Elliot at Sanchez sa akin.

Wala akong nakitang mga tauhan nila kanina sa paligid.

"In my hands, Tito. Ako ang bahala sa kaniya." Wala sa sariling sagot ko rito na ikinaiwas nilang tatlo sa akin kasama na doon si Imperial. Maliban lang talaga kay Victoria na nagtatakang nakatitig lang sa kagandahan ko.

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon