Chapter Forty four

7.8K 302 90
                                    

A/N: I'll have to skip Victoria's POV at first.


Banana


"Banana! Ilibre mo naman kami!" Nailing ako kay Amanda. Bente lang pera ko e. "Gusto ko ng heavy food ngayon. Gutom na gutom na ako. Ang tamad niyong magluto e."

"Aba, nagsalita!" Sagot ko rin sa babaeng ito na nagpapalibre tapos magsasabi na tamad daw kami. "Sarap baliin ng leeg mo."

Tapos tumawa pa siya ng malakas na parang witch. Minsan talaga nakakatakot itong si Amanda e. Iba-iba likaw ng bituka nitong babaeng 'to.

"Gusto ko ng chicken nuggets." Nagugutom na hawak pa ni Patrice sa tiyan niya. "Bilisan niyo kasi mag drive!" Dagdag na sigaw pa nito kay Cathrice na siyang driver namin ngayon.

Papunta kasi kami ng Full House ngayon para doon kumain. Gaya kasi ng sabi ni Amanda ay walang may gustong magluto kaya nagplano na lang kaming magpunta doon.

"'Pag nagasgasan itong baby ko, sasapakin kita Cathrice!" Banta naman ni Amanda na siyang may ari ng sasakyan na gamit namin ngayon.

Tahimik naman si Alicia at Alex sa tabi na alam kong gutom na rin.

"Sus, ang dami mong sasakyan e— shit! Yuko!" Nabahala at nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko sa sigaw ni Cathrice.

Bigla ring naging magulo ang pag da-drive nito.

"Anak ng teteng! Anong problema mo, Cath—"

"Sabing yuko, Banana!" Muli nitong sigaw na halos pa-galit na. Napamura naman ako sa sarili ko lalo na ng itigil nito ang sasakyan at sunod-sunod ng baril ang narinig ko.

"Ang sasakyan ko!" At talagang iyon pa ang inintindi ni Amanda. Rinig na rinig namin kung paano tamaan ang sasakyan niya.

May ambush?

Napansin ko naman na kinuha ni Alex at Alicia ang mga baril nila. Binuksan pa ni Ali ang pinto ng sasakyan sa tabi niya.

Nag sign ito na lumabas kaming lahat. Tinuro pa niya ang mapunong lugar na sa tingin ko ay gusto niyang doon kami tumakbo.

"Amanda! Hayaan mo muna itong sasakyan mo!" Sigaw ko sa kaniya. Tumango-tango ito at kinuha rin ang mga baril nila.

"Labas na!"

Mabilis kaming gumalaw. Si Alicia at Alex ay lumabas sa binuksan nilang pinto. Nagpaiwan pa ako saglit at hinintay na makalabas silang lahat

Sumunod si Cathrice at Patrice maski si Hera. Sumunod din agad si Amanda, mabilis siyang tumakbo pero dahil sa hindi inaasahang pagkakataon ay natamaan siya.

"Anak ng siopao at tokwa, Amanda!" Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kaniya ng mabilis. "Takbo, Amanda!"

Hawak niya ang tagiliran ay tumakbo ito. Hindi man lang ininda ang tama ng baril.

"Don't worry! Daplis lang naman ito. Maghiwalay tayo!" Tumango na lamang ako kahit na ayoko sana itong iwan. Mabuti kung daplis lang ito pero kailangan pa rin niyang mag ingat.

Nilingon ko ang sasakyan namin at nakita kong may humarang sa amin na dalawang puting van. Napansin ko pa ang mga kalalakihang sumunod sa amin kaya mas binilisan ko ang takbo at lumihis palayo kay Amanda.

Sunod-sunod na putok pa ng baril ang narinig ko. Muntik na rin ako pero hindi ako papayag na matamaan.

Putok talaga ng baril, at mangilang mga sigawan ng kalalakihan ang naririnig ko, at mabibilis na mga hakbang nilang nakasunod sa akin. Syempre maski ako ay nakikitakbo na rin ng mas mabilis pa hanggang sa hindi ko naiwasang matawa.

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon