Chapter Fifty one

7.4K 370 90
                                    

Banana


"SANCHEZ! PUMUNTA KA RITO SA LUGAR KO! TAWAGAN MO SI ELLIOT AT SI IMPERIAL AT ANG GRUPO NIYA! NGAYON NA SANCHEZ, NGAYON NA!"

Tinapon ko nang pagkalakas-lakas ang cellphone sa pader pagkatapos kong tapusin ang tawag. Inis kong tinapon ang lahat ng mga gamit dito sa mesa ko dahil sa natatanggap mula kay Tito na isang mensahe.

Mapapatay ko ang lahat ng ito dahil sa kapabayaang ginawa nila sa mag ina ko.

Lumabas ako ng silid ko at natigil sa pagbaba sana ng hagdan ng makita si Alex at Alicia na pahakbang palang sana sa unang baitang ng hagdan.

Napasabunot na lang ako sa buhok ko dahil sa inis. Pambihira naman, oo.

Ah, basta! Wala na muna akong pakialam kung makikita ni Imperial dito si Alicia. Makabawi man lang kay Imperial ngayon dahil sa mga katangahan nilang nagawa sa misyon sa akin. Bahala siya kung mabubunyag ang sekreto niya sa mga kaibigan ko.

"Nagwawala ka ba sa taas? We're about to go upstairs to check on you." Napairap ako kay Alex.

"Akala ko ay nasa Pangasinan kayo? Anong ginagawa niyo dito?" Bumaba na ako ng hagdan. Hinayaan lang nila akong makababa at sinundan papunta sa sala at pabagsak na naupo. Inabot ko pa ang isang stick ng sigarilyo na nasa couch bago ito sindihan. "Kanina pa ba kayo?"

Nakakasira sa kagandahan ang ganitong mga problema.

"I heard what happened to Silvestre's property, Banana. What did I tell you by dealing with your anger?" Iyon ba ang dahilan kung bakit sila narito? Ang sermunan ako?

"Alex, did you come here para lang pagsabihan ako?"

"Yes. What the fuck is happening, Banana? Bakit hindi ka man lang humingi ng tulong?" Naiintindihan ko naman ang pinupunto niya. Alam kong mali ang ginawa kong paraan na pagpatay sa mga lalaking iyon pero hindi ako nagsisisi na ginawa ko ang bagay na 'yon.

"Ginawa ko siya kasi galit ako, Alex. Hindi sila marunong madala!" May katwiran man ang rason ko o wala ay wala na rin akong magagawa dahil nagawa ko na.

"Do you think may nangyari sa ginawa mo? Anong nangyari pagkatapos mong ipadala ang lalaking iyon sa mga Magallanes, Banana?" Mga walang hiya rin talaga ang mga Magallanes na 'yon. "Hindi ba't wala ka ring napala?"

"Mga wala lang silang k'wentang walang alam sa organization." Natanggap naman nila ang katawan ng lalaking pinadala ko kila Silvestre sa kanila pero hindi nila ito pinansin.

Nalaman ko rin na wala pala silang alam tungkol sa organization ko. Pinatapon lang din nila ang katawan ng lalaki dahil hindi raw nila kilala kung sino ito.

Wala talagang mga k'wenta. Kung alam ko lang ay sana siya na mismo ang pinakuha ko para ako na mismo ang nagpakilala sa kaniya ng malaman niya kung sino ang binabangga niya.

"Banana—"

"M-Madam!"

Natigil sa pagsasalita si Alex ng sunod-sunod pumasok si Sanchez, Elliot, ang grupo ni Silvestre at si Silvestre mismo. Humarap sila amin bago sabay-sabay na yumuko.

Sabay-sabay din talaga silang dumating. Magkakasama lang ba sila sa iisang lugar kanina?

"What is happening?" Tanong ni Alicia habang nakatingin kila Silvestre. Hinihingal pa ang iba sa pagmamadali.

Kulang sila. Nasaan na si Imperial?

Hawak ang sigarilyo ay nilapitan ko silang lahat. Pinakatitigan at hinayaan sila Alicia na nasa likuran kong nagtataka sa mga kinikilos ko at hindi sila pinapansin.

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon